Gurong patagilid na nagwawasto ng online student output kinatuwaan




Imahe mula sa Facebook post ni Zoren Matthew Blardony / Public Domain Image
  • Kinaaliwan ang larawan ng isang guro
  • Nakatagilid na kasi ang mukha niya sa pagwawasto ng student output
  • Naka-landscape o pahiga rin kasi ang isinumite ng kaniyang mag-aaral

Ang pagiging guro ay hindi madaling propesyon, dahil hindi natatapos ang trabaho sa itinakdang oras ng pagtuturo at pagrereport sa trabaho; sa madalas na pagkakataon, kahit lagpas na sa “working hours.” Lalo na sa panahon ngayon na makabago na ang paraan ng pagtuturo dulot ng pandemya, mas komplikado na ang pagwawasto o pagchecheck ng mga gawain ng mga mag-aaral. Masakit na sa mata, kinakailangan pa ng kuryente.

Iyan ang ibinahagi ng isang gurong si “Zoren Matthew Blardony” sa kaniyang Facebook post na kinaaliwan ng mga netizens. Makikita kasi sa kaniyang larawan na nagwawasto siya ng ipinasang student output online; nakatagilid ang kaniyang leeg at mukha dahil patagilid din o nasa “landscape” position.

Imahe mula sa Facebook post ni Zoren Matthew Blardony

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“For sure alam naman ni Sir na puwede iyang i-rotate para mas maayos, pero ang gusto lang siguro niya ipakita, yung ibang mga mag-aaral, hindi na inaayos yung pagpapasa. Basta makapasa lang hahaha,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Naku sir, sasakit lang po ang leeg ninyo sa pagche-check! Kapag ganiyan, automatic zero na, pahirap eh. Joke!”

“That’s one of the most challenging tasks ngayon ng mga teachers. Kailangang mag-check ng student outputs online. Yung ibang teachers, sila na ang nagpi-print para mabasa lang nang maayos, pero syempre, it’s time consuming at magastos sa papel. Instruct the students na lang to be more cautious in submitting online activities/outputs,” wika naman ng isa.

Pabirong pagbabahagi naman ng isa, “Hahahahahhaha present! May rotate naman kasi, pero hindi ko ginagamit. Mas exciting ‘pag ganyan eh hahaha.”

Public Domain Image

Ayon sa mga espesyalista, hangga’t maaari ay magkaroon ng ilang mga routine upang mapangalagaan pa rin ang mga mata, leeg, at katawan sa pagharap sa computer o laptop, kung hindi maiiwasan dahil sa pagtatrabaho. Sa kada 20 minuto, ilayo ang tingin sa screen at tumitig o tumingin sa malayong bagay sa loob ng 20 segundo upang maiwasan ang pagkakaroon ng eye strain, o kaya naman ay labis na pagkapagod ng mga mata.

Makatutulong din ang paggamit ng maayos na office chair na maaaring makapag-relax at maipahinga ang likod. Ugaliin din ang pagtayo upang ma-stretch ang mga leeg at binti. Kung hindi naman kinakailangan, isarado muna ang computer o laptop upang makapahinga rin ito.

Source :

Facebook