“Venice of the South” sa Tawi-tawi nagdulot ng saya at ngiti sa mga labi




Imahe mula sa Facebook account ni Nurwin Solis
  • Itinampok ng isang netizen ang “Venice of the South”
  • Ito ay matatagpuan sa Tawi-Tawi sa Mindanao
  • Makikitang napakalinis ng tubig na nasa gitna ng mga kabahayan

Kung sikat na sikat ang “Venice of the North” at Venice Grand Canal, alam mo bang may tinatawag na “Venice of the South” dito sa Pilipinas?

Iyan ay matatagpuan sa Barangay Baguindah, Sitangkai, Tawi-Tawi kung saan itinampok ng isang netizen na nagngangalang “Nurwin Solis” ang ilang mga larawang nagpapakita ng “Venice of the South” na pinagpapaliguan pa ng mga bata. Sa biglang tingin, aakalaing baha ito dahil napalilibutan ng mga kabahayan. Subalit ito ay normal na senaryo lamang sa barangay na iyon, na sinamahan pa ng high-tide o pagtaas ng antas ng tubig sa karagatan.

Imahe mula sa Facebook account ni Nurwin Solis

Namangha naman ang mga netizens sa kanilang nakita, lalo na ang mga sanay na maruming tubig-baha ang nakikita, lalo na kapag umuulan.

“Maganda naman talaga ang Western Mindanao like Sulu and Tawi-Tawi. Ang daming magagandang tanawin. Sana darating ang panahon na uunlad ang bayan na iyan at tatanggap ng maraming turista,” ayon sa isa.

Saad naman ng isa, “Photographed the place before. It’s a nice place! People are friendly especially the Sama people. Sa araw maraming bangka, punong-puno ng paninda, karamihan barter goods from Sabah.”

“Sana lahat ng tao ganiyan ka disiplinado. Huwag gawing kanal ang mga ilog at sapa. Kita naman kahit tabing-tabi ng ilog ang kabahayan, napakalinis ng tubig. Ibig sabihin di sila nagtatapon ng basura sa ilog,” wika naman ng isa.

Turan naman ng isa, “Nakapunta na ako riyan. Magandang lugar. Maraming fresh na isda. Puwede maging tourist attraction ang lugar na iyan.”

Imahe mula sa Facebook account ni Nurwin Solis

Ang Sitangkai ay tinaguriang “Venice of the South” dahil sa canal na nasa gitna ng mga kabahayan, na napanatili pa rin nilang malinis kaya naman nakaliligo pa ang mga bata, na tila ba nasa gitna sila ng malaking swimming pool. Inaasam ng mga netizens na sana ay malinang pa ito upang makatulong sa turismo ng lugar.

Nabitin ka ba? Tara na’t sumilip sa video na ibinaagi ni PJ Sapoco via YouTube!