Sharon Cuneta ipinapatayong bahay ang ibinida; dagdag-kita para sa mga manggagawa




Imahe mula sa Instagram account ni Sharon Cuneta
  • May ipinapatayong bahay si Megastar Sharon Cuneta
  • Ibinahagi niya ito sa kaniyang Instagram account
  • Masaya siya dahil makatutulong din siya sa mga manggagawa

Masayang ibinahagi ni Megastar Sharon Cuneta ang progreso sa ipinapatayo niyang malaking bahay na malaki umano ang maitutulong sa mga manggagawang nangangailangan ng kita dahil naapektuhan ang mga trabaho sa pandemya.

“When your contractor constantly updates you with video and photos of the construction of your house, and you cannot contain your excitement! Plus, it makes you so happy to know that many construction workers are making a living while building your home during this time of COVID!” ayon sa Instagram post ng Megastar.

Imahe mula sa Instagram account ni Sharon Cuneta

Sa hiwalay na Instagram post, itinampok din niya ang mga manggagawa na matutulungan niya dahil sa pagpapatayo ng bagong bahay.

“My fabulous workers being so disciplined. Also so very systematic and methodical in their work. Am so proud of them!”

Marami na sa mga netizens ang nasasabik nang makita ang magiging kalalabasan ng kaniyang bahay, lalo’t ibinahagi na niya sa kaniyang mga social media platforms ang magiging disenyo nito.

“Ano kaya hitsura ng bahay mo na ‘yan? I-vlog mo po ang development ng new house mo ah, super excited kami sa bago mong blessing Mega, congrats!” sabi ng isang tagahanga.

Turan naman ng isa, “Why am I so excited? Hindi ko naman bahay. Love you Mega!”

“An employer with a pure heart. May God continue to bless you Mega so you can help more people. May everyone be safe while their building your new home,” saad naman ng isa.

Sa isa pang Instagram post, makikita naman ang larawan ng mga manggagawa na nagpapasalamat sa trabahong ibinigay ng Megastar, lalo na sa panahon ngayong mahirap kumita ng pera dahil sa limitadong galawan ng lahat. Nakalagay sa ipinagawa nilang banner na “Thank you, Mega!” na ikinatuwa naman niya.

Imahe mula sa Instagram account ni Sharon Cuneta

Sa kasalukuyan, abala ang Megastar sa kaniyang online program na “The Sharon Show.”