Sekyu naispatang nagti-TikTok sa oras ng breaktime, hatid ay good vibes




Image capture mula sa Facebook account ni Matet Gerona
  • Good vibes ang hatid ng isang sekyu sa Butuan City
  • Naispatan at nakuhanan siya ng video habang humahataw sa pagsayaw
  • Gumagawa siya ng TikTok entry habang breaktime

Isa sa mga kinahihiligang pampalipas-oras ng mga tao ngayon ang “TikTok.” Ito ay isang Chinese video-sharing social networking service na kinababaliwan hindi lamang ng mga karaniwang netizens kundi maging mga sikat at litaw na tao sa lipunan. Mula bata hanggang matanda ay may gumagamit ng app na ito upang kahit paano ay maibsan ang lungkot, takot, pangamba, agam-agam, at iba pang mga negatibong damdaming idinulot ng pandemya.

Kaya naman, naghatid ng good vibes sa mga netizens ang isang security guard o sekyu na namataang todo-bigay sa pagsayaw habang kinukuhanan ang sarili ng video at mai-upload sa TikTok, na ibinahagi naman sa Facebook post ng netizen na si “Matet Gerona,” na isang frontliner sa isang ospital sa Butuan City.

Image capture mula sa Facebook account ni Matet Gerona

Salaysay ng uploader na si Matet,  nasa ospital siya para magbantay ng dialysis patient nang maispatan niya ang sekyu na si Ryniel Pineda na todo-hataw sa pagsasayaw habang naka-break naman.

“Tawa po kami nang tawa kasi napakagaling niyang sumayaw, saka nakakawala ng stress yung pagsasayaw niya po,” ayon kay Matet.

Nakadagdag sa kasikatan ni Ryniel ang pinag-usapang FG post ni Matet. Umabot na umano sa 400,000 followers ang kanyang TikTok account!

Umani naman ito ng positibong reaksyon mula sa mga netizens na nakaramdam ng good vibes sa naturang sekyu.

“Pang-TikTok ni Kuya Guard, the moves bigay na bigay… alam mong sumasayaw talaga noog kabataan niya. Good vibes Kuya Guard!” wika ng isa.

Turan naman ng isa, “In this pandemic crisis time, its effect is not that easy, many were greatly affected. And one way to make oneself cope up with the situation is to be happy… enjoy every moment. Salute to you Kuya Security Guard!

Image capture mula sa Facebook video ni Matet Gerona

“Grabe ang moves mo Manong! Nailabas na niya talaga ang matagal na niyang itinatagong talento. Pasalamat ka nang marami sa TikTok Manong! Hehehe,” saad naman ng isa.

Samantala, panoorin ang paghataw ni Manong Guard sa pamamagitan ng Facebook video na inupload ni Matet:

<iframe src=”https://www.facebook.com/plugins/video.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Ftheresa.gerona%2Fvideos%2F3551132458283903%2F&show_text=0&width=269″ width=”269″ height=”476″ style=”border:none;overflow:hidden” scrolling=”no” frameborder=”0″ allowTransparency=”true” allowFullScreen=”true”></iframe>