Sanya Lopez papalit kay Marian Rivera sa First Yaya




Public Domain Image
  • Si Sanya Lopez na ang papalit kay Marian Rivera sa “First Yaya”
  • Makakatambal niya rito ang batikang aktor na si Gabby Concepcion
  • Nakuha ni Sanya ang role dahil sa pagtanggi ni Marian na sumailalim sa lock-in taping, at pansamantalang iwanan ang kaniyang pamilya

Ang Kapuso actress na nga si Sanya Lopez ang papalit sa role na gagampanan sana ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa GMA Teledramang “First Yaya” katambal ang aktor na si Gabby Concepcion.

Si Sanya ay unang sumikat bilang “Sang’gre Danaya” sa remake ng GMA Telefantasyang “Encantadia” noong 2016. Nakuha ni Sanya ang role dahil sa pagtanggi ni Marian na sumailalim sa lock-in taping, at pansamantalang iwanan ang kaniyang pamilya.

Public Domain Image

Ayon sa panayam kay Sanya sa 24 Oras, aminadong kinakabahan siya sa kaniyang bagong proyekto.

“Nasa proseso pa rin kami ng pagkilala kay Yaya Melody para mabigyan ng buhay at justice ‘yung pagkatao niya,” ani Sanya, na gagampanan ang isang nanny o yaya sa mga anak ng Pangulo ng Pilipinas, na gagampanan naman ni Gabby.

Dagdag pa ni Sanya, hindi naman daw mahirap para sa kaniya ang role dahil minsan na rin niyang naranasang mag-alaga sa kaniyang mga pamangkin.

“Nasubukan kong magtimpla ng gatas, ‘yung magpalit ng diaper kahit hindi ko alam kung paano, magpakain sa kanila,” aniya.

Ayon naman sa¬† director ng “First Yaya” na si LA Madridejos, hindi naman daw mahirap makita kay Sanya ang karakter ni “Yaya Melody,” ang pangalan ng gagampanan niyang karakter.

“Kapag iniisip ko si Yaya Melody sa katauhan ni Sanya, mangingiti ka na lang eh. Hindi siya mahirap makita kasi iyan ang hinahanap namin kay Yaya Melody, ‘yung very relatable na personality, ‘yung bungisngis.”

“Sa mga panahon na maraming nangyayari sa paligid natin na hindi masyadong masaya, minsan nakakalimutan nating magmahal, ma-inspire, and at the same time maka-inspire sa ibang tao.”

Public Domain Image

“Hayaan n’yo si Yaya Melody na dalhin kayo doon, lahat ng pagdadaanan niyang hirap, lahat ng pagdadaanan niyang challenges, itatawid niya ito at magka-come out siya na better person,” sabi pa niya.

Magsisimula na ang lock-in taping sa mga susunod na araw.