Photo enhancement ng mga aktres ng pinilakang-tabing hinangaan




Imahe mula sa Facebook page ng Kulay Colorization
  • Mga aktres naman ng Philippine Cinema ang dumaan sa photo enhancement
  • Ginawa ito ng Kulay Colorization ni Adlai Garcia Jawid
  • Nagpasalamat naman ang mga netizens dahil nagsilbing tribute daw ito para sa kanila

Matapos ang photo enhancement sa mga dakilang aktor ng pinilakang-tabing o “Philippine Cinema,” mga beterana at premyadong aktres naman ang sumailalim sa prosesong ito, na inihatid pa rin ng “Kulay Colorization” ni “Adlai Garcia Jawid.”

Sa kaniyang Facebook post, nagbigay pa ng background trivia si Jawid sa bawat enhanced photo ng mga aktres na ito, na nagsilbing tribute para sa kanila.  Ang ginamit niyang lunsaran ay noong sila ay nasa kasibulang-gulang pa lamang.  Ito ay sina Alicia Vergel, Amalia Fuentes, Anita Linda, Barbara Perez, Carmen Rosales, at Celia Flor.

Imahe mula sa Facebook page ng Kulay Colorization

Nariyan din sina Charito Solis, Corazon Rivas, Daisy Romualdez, Delia Razon, Gloria Romero, Lani Oteyza, Linda Estrella, Lolita Rodriguez, Myrna Delgado, Nida Blanca, Norma Vales, Paraluman, Priscilla Cellona, Rita Gomez, Rosa Del Rosario, Rosa Rosal, Rosita Noble, Susan Roces, Tessie Quintana, at Tita Duran.

Humanga naman ang mga netizens hinggil dito.

“This page have a great impact to the young and old generations. I have a great respect to researchers, historians, photographers, and other experts in the field of education as a useful tools for bringing up Pinoy awareness, something special memoirs of the past historical events in movie, reading magazine and entertainment industry. Good job to the experts, thank you all,” ayon sa isa.

Turan naman ng isa, ” It’s a great move to give tributes for our beloved Queens of Philippine Cinema! Thanks for sharing these truly amazing and beautiful Filipina actresses.”

Imahe mula sa Facebook page ng Kulay Colorization

“They are such gorgeous women. Thank you for sharing these beautiful photos. Continue to give tributes through this digital art!” pahayag naman ng isa.

Ang naging sanggunian ng digital artist sa mga larawan ay mula sa “Video 48.”

Bukod sa mga aktor at aktres ng pinilakang-tabing, humanga rin ang mga netizens sa mga photo enhancement ng Pangulo ng Pilipinas, gayundin sa mga Philippine peso coins at bills.

Source :

Facebook, News 5