Nokia balak na magtayo ng mobile network sa buwan




Public Domain Image
  • Target ng NASA at Nokia na magtayo ng mobile network sa buwan
  • Pinondohan ito ng NASA ng $14.1 million
  • Sisimulan umano ng Nokia ang pagbuo ng kauna-unahang wireless broadband communications system sa kalawakan sa 2022

Inihayag ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) na napili nila ang kompanyang “Nokia” ng Finland upang magtayo ng kauna-unahang cellular network sa buwan.

Ang naturang lunar network ay magiging bahagi ng mga pagkilos ng naturang US space agency na muling makapagpadala ng mga tao sa taong 2024 at makabuo ng long-term settlements sa ilalim ng Artemis program. Popondohan umano ito ng NASA na nagkakahalaga ng $14.1 million para makapagpatayo ng 4G network sa natural satellite ng daigdig.

Public Domain Image

Sisimulan umano ng Nokia ang pagbuo ng kauna-unahang wireless broadband communications system sa kalawakan, na maaaring mabuo sa lunar surface sa taong 2022.

Makikipag-tie up ang Nokia sa Texas-based private space craft design firm Intuitive Machines upang maipadala ang mga network equipment sa buwan.

“After delivery, the network will configure itself and establish the first LTE (Long-Term Evolution) communications system on the moon,” ayon sa pamunuan ng Nokia.

“The network will provide critical communication capabilities for many different data-transmission applications, including vital command and control functions, remote control of lunar rovers, real-time navigation and streaming of high definition video,” ayon pa sa kanila.

Dagdag pang paliwanag, “The network will give astronauts voice and video communications capabilities, and allow telemetry and biometric data exchange, as well as the deployment and remote control of lunar rovers and other robotic devices.”

Public Domain Image

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens.

“Ang cool naman. Buti pa sa ibang bansa, ganiyan na ang pinag-uusapan. Dito walang katapusang COVID eh,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Buti pa sila mobile network na sa buwan ang pinag-uusapan samantalang dito sa atin poor network connection pa rin at traffic ang laging topic, ang mayroon lang sa atin, suntok sa buwan.”

“Ang tao ang layo na nang narating. I wonder kailan kaya makaka-imbento ng Time Machine, Ghost phone at kailan tayo titira sa ibang planeta?” tanong naman ng isa.

Tingnan natin kung magiging matagumpay ba ang goal na ito ng NASA at Nokia company, na nagpasikat sa paggamit ng mga cellular phones, bago pa mauso ang mga Android at iOs phones.