Netizen na may maganda ngang helmet pero wala namang maiulam kinaaliwan




Imahe mula sa Facebook account ni Julios Batalon
  • Kinatuwaan ng mga netizens ang isang lalaking bumili ng helmet
  • Maganda nga ang helmet niya, kaso wala naman daw siyang maiulam
  • Umani ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens

Minsan, dumarating ang pagkakataong kailangan nating magsakripisyo ng isang bagay upang makamit o maabot lamang ang isa pang bagay na ating pinakamimithi. Katulad na lamang ng pagkakaroon ng isang hinahangad na personal na kagamitan, na kahit wala nang maiulam, ang mahalaga, nabili naman natin ang gusto natin.

Iyan ang personal na karanasan ng isang netizen na nagngangalang “Julios Batalon” kung saan ibinahagi niya sa Facebook post na sa wakas daw ay nabili na niya ang inaasam-asam na magandang helmet na may kamahalan ang presyo. Subalit tanong niya sa sarili, bakit hindi daw siya masaya?

Imahe mula sa Facebook account ni Julios Batalon

“Nabili ko na yung helmet na gusto ko pero bakit parang hindi ako masaya?” caption ng kaniyang post. Nakuha naman ng mga netizens ang nais niyang ipahiwatig hinggil dito batay sa kaniyang larawan, na nakatitig siya sa helmet habang kumakain ng kanin lamang at walang ulam.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Hahaha, ang mahalaga Kuya may helmet ka naman. O kung wala ka namang pera talaga, why not iyan na lang ang i-ulam mo?” pabirong sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Ganiyan din ako minsan. Kahit na wala nang makain, ang mahalaga, nabili ko yung gusto kong gamit. Kasi ganoon din naman iyon. Kapag hindi mo nakuha yung gusto mo, hindi ka rin naman makakakain hahaha.”

“Minsan talaga, kailangang ihiwalay ang needs at wants. Ano ba muna ang importante sa hindi naman masyado at makakapaghintay pa?” saad naman ng isa.

Imahe mula sa Facebook account ni Julios Batalon

Ayon sa mga financial expert, bago raw bumili ng mga bagay na may malaking presyo, tiyakin munang may extrang pera panggastos sa mga tunay na kailangan, gaya ng pagkain, tubig, at pambayad sa bills.

Source :

Facebook