MMFF 2020 tuloy na tuloy sa pamamagitan ng online streaming




Imahe mula sa Facebook page ng MMFF
  • Tuloy na tuloy pa rin ang MMFF 2020
  • Ito ay mapapanood via online streaming 
  • May hanggang Nobyembre 15, 2020 ang pagtanggap ng entries ng MMFF Committee

Ilang buwan na lamang at nalalapit na ang pagdiriwang ng Kapaskuhan, at dahil nariyan pa rin ang pandemya ng COVID-19, marami ang nagtatanong kung magagawa pa ba ng mga tao ang nakasanayang pamamasyal at panonood ng mga pelikula sa sinehan, dahil na rin sa taunang Metro Manila Fil Festival o MMFF.

Subalit ayon mismo sa mga MMFF organizers, tuloy na tuloy pa rin ang tagisan ng iba’t ibang pelikulang Pilipino na isasagawa sa pamamagitan ng online streaming. Nagsagawa ang pamunuan ng pulong, kasabay na rin ng pag-aalay ng dasal at pagkilala sa mga yumaong MMFF Executive Committee members na sina Manay Ichu Vera-Perez Maceda at Atty. Rolando Duenas.

Imahe mula sa Facebook page ng MMFF / Public Domain Image

Dahil naging matagumpay ang online streaming ng Cinemalaya ngayong 2020, nakatitiyak din ang pamunuan ng MMFF na tatangkilik din ng mga tao ang mga pelikulang makakapasok sa kanilang panlasa.

Ano-ano nga ba ang mga pelikulang tiyak na pasok na sa MMFF 2020 batay sa ipinasang screenplay?

Noong Hulyo 2020, nauna nang inihayag sa opisyal na Facebook page ng MMFF ang apat na mapalad na pelikulang kabilang dito. Ito ay ang “Praybet Benjamin 3” ni Vice Ganda, “Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan” ni Joshua Garcia, ang mala-Magic Temple na “Magikland,” at “The Exorcism of My Siszums ng Gonzaga sisters (Toni at Alex).

Samantala, sinabi naman ng MMFF na extended ang pagpapasa ng mga entries hanggang Nobyembre 15, 2020 bilang konsiderasyon na rin sa mga artista at production team na kinakailangang mag-ingat dahil sa pandemya.

Inaabangan na rin ng mga tao kung magkakaroon ng Parada ng mga Bituin at Gabi ng Parangal na tradisyon na rin ng MMFF.

Imahe mula sa Facebook page ng MMFF

Dahil online na ang streaming, inaasahang mas maraming mga viewers ang makapanonood ng mga pelikulang ito. Samantala, ayon naman sa Office of the Solicitor General sa ilalim ng Office of the President, na ang MMDA at hindi ang ano mang ahensya o council ang may jurisdiction sa MMFF.

Source :

Facebook, PEP, PEP