Mga Pinoy netizens natuwa sa pagtatampok sa arnis sa pinakabagong animated Disney movie




Public Domain Image
  • Natuwa ang mga tagahanga ng Walt Disney movies
  • Itinampok kasi ang “arnis” sa bagong Southeast Asia-inspired animated movie nito
  • Ang arnis ay kinikilalang pambansang martial arts sa Pilipinas

Ipinasilip ng Walt Disney ang kauna-unahang teaser ng kanilang Southeast Asia-inspired animated movie na “Raya and the Last Dragon,” na ikinatuwa ng mga Pinoy netizens dahil sa pagtatampok umano sa paggamit ng arnis, ang itinuturing na “Pambansang Martial Arts” ng mga Pilipino.

Makikita sa mismong YouTube channel ng Walt Disney Animation Studios ang teaser ng naturang animated movie na talagang inaabangan na. Nahagip ng mapanuring mata ng mga netizens na hawak ng protagonistang si Raya ang arnis, na karamihang ginagamit na combat weapon ng mga bansa sa Southeast Asia.

Public Domain Image

Ang naturang pelikula ay tinatawag ding “Kumandra,” na nagtatampok sa mga kultura ng mga bansa sa Southeast Asia gaya ng Thailand, Vietnam, Cambodia, Laos, Malaysia, Myanmar, at Pilipinas.

Sa naturang teaser, Si Raya (mula sa tinig ni Kelly Marie Tran) ay ipinakilala bilang tagapagbantay ng mga “dragon gem,” na may misyong mapanatili ang kapayapaan at katiwasayan sa pamamagitan ng paghahanap sa huling dragon.

Narito ang ilan sa mga reaksyon ng mga netizens.

“I remember being taught arnis when I went to school in the Philippines. It was basically choreographed lessons and we didn’t really free style but it was fun when my buddies and I would play fight when the teacher wasn’t looking,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Gumamit ng yantok. Arnis is the name of the Filipino martial arts. Yantok is the weapon you use in arnis. Please be informed. Be educated with our very own.”

“Raya looks so good I’m already so happy with how it’s looking so far (and the way she’s using Arnis sticks, which are martial arts from my country!” saad naman ng isa.

Public Domain Image

Ang Raya and the Last Dragon ay mapapanood na sa March 2021. Samantala, panoorin ang teaser nito via YouTube channel: