Macoy Dubs: “Hindi man ako naging TV reporter naging host naman ako ng noontime show




Imahe mula sa Facebook account ni Macoy Dubs
  • “Dream come true”
  • Iyan ang paglalarawan ni Macoy Dubs sa pagiging host ng “Lunch Out Loud”
  • Nakilala si Macoy sa kaniyang “Auntie Julie” character sa social media platforms

Masayang-masaya si Mark “Macoy” Averilla o mas kilala bilang “Macoy Dubs” dahil hindi man natupad ang kaniyang pangarap na maging TV reporter, naging sikat naman siyang social media influencer na naging daan upang maging host siya ng isang noontime show, na hindi niya inakalang mangyayari sa kaniyang buhay.

Ipinakita niya sa kaniyang Facebook post ang larawan umano ng magiging workplace niya, na isa sa mga studio sa TV5 Kapatid Network. Kabilang si Macoy Dubs, na mas nakilala sa pagganap niya bilang cono na si “Auntie Julie” sa mga social media platforms, sa nilulutong noontime show na “Lunch Out Loud” na makakatapat ng It’s Showtime ng ABS-CBN/Kapamilya Channel at Eat Bulaga ng GMA Kapuso Network.

Imahe mula sa Facebook account ni Macoy Dubs

“My workplace for the upcoming months… and hopefully… upcoming years. Please support us and thank you God for everything. Dream come true. Hindi man ako naging TV reporter, naging host naman tayo para sa noontime show. Tagal kong hinintay at ipinagdasal ‘to, Lord. Maraming salamat sa inyo,” aniya.

Umani naman ito ng iba’t ibang pagbati at papuri mula sa mga netizens.

“Good luck Macoy, Auntie Julie, we’re always here to support you, you made us happy during quarantine. Ngayon, mas lumawak pa ang mundo mo. Marami ka pang mapapaligaya,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Congrats, Macoy. It’s your season. Well-deserved. I’m sure happy si Lloyd Cadena at tinatanaw ka mula sa langit.”

“We are so happy for you, Auntie Julie! Remember, sa ganiyan din sumikat si Yaya Dub, look at Maine Mendoza now. We are looking forward to see you everyday! Makakatapat mo sina Vice Ganda and Paolo Ballesteros so good luck!” pahayag naman ng isa.

Kamakailan lamang ay naging guest si “Auntie Julie” sa segment ng It’s Showtime na “Mas Testing” kung saan game na game siyang nakipagkulitan sa mga hosts.

Macoy Dubs a.k.a. “Auntie Julie” may first TV debut sa It’s Showtime

Imahe mula sa DF News

Makakasama umano ni Macoy Dubs sina Billy Crawford, Alex Gonzaga, Bayani Agbayani, K Brosas, KC Montero, at Wacky Kiray sa naturang noontime show na ipo-produce ng Brightlight Productions sa TV5.