Korina Sanchez, certified “Kapatid” na




Imahe mula sa Instagram account ni Korina sanchez/Public Domain Image
  • Certified Kapatid na si Korina Sanchez
  • Pumirma siya ng kontrata sa Brightlight Productions
  • Magiging programa niya ang Rated Korina dito

Tinuldukan na ni Korina Sanchez ang mga espekulasyong lilipat siya ng TV network matapos niyang pumirma ng kontrata nitong Oktubre 7, 2020 sa Brightlight Productions ni dating Negros Occidental Congressman Albee Benitez na nakakuha ng mga block timer shows sa TV5 “Kapatid” Network.

Masayang-masaya umano ang beteranang broadcaster sa bagong kabanata sa kaniyang career bilang mamamahayag, matapos niyang iwanan ang ABS-CBN Kapamilya Network na pinaglingkuran niya ng halos tatlong dekada.

Makikita sa kaniyang Instagram post ang pagpirma ng kontrata sa Brightlight Productions.

Imahe mula sa Instagram account ni Korina Sanchez

“Yes, it is true. It is on. I have officially signed up with Brightlight, blocktimer in TV5, and Rated K, now to be called Rated Korina, will be seen again on free television starting October 24,” aniya sa kaniyang mahabang IG post.

“It is bittersweet to have to actually say it, that I’ve parted for now with ABS-CBN because of current circumstances. I owe ABS-CBN the most huge part of who I’ve come to be professionally, and for growing Rated K to be a household name in almost 20 years on-air.”

“Maganda naman ang pagpapaalam ko and maganda din ang pagtanggap ng management sa network sa mga limitasyon sa ngayon. Naiintindihan din nating lahat siyempre, ang kagustuhan ng lahat na magpatuloy sa trabaho, sa pagpapasaya, pagbigay impormasyon sa nakakarami at ang importanteng serbisyo sa publiko.”

“This is who we are and would like to continue to be, because we have so much more to give — so we march forward. We are all making lemonade of lemons, the best way we can. And it will all taste good.”

Matatandaang nagpaalam sa ere ang kanyang programa, na tumagal ng halos 16 taon, matapos hindi pagbigyan ng Kongreso ang franchise renewal ng ABS-CBN. Kasabay rin umano nito ang pagkaka-retrench kay Korina bilang isa sa mga frontline news anchor ng Kapamilya Network, kabilang si Ces Orena-Drilon.

Public Domain Image

“Well, you know, it hasn’t really been that long so that’s why I feel very, very blessed that I didn’t have to wait for so long for me to come out again on free TV. As people know, I’ve been producing in Facebook, digitally, pero iba pa rin siyempre if you’re on free TV,” ayon sa panayam naman sa kaniyang PEP o Philippine Entertainment Portal.

“I know many friends who are in TV5, which is like having family again. Familiar faces, people I worked with all these years in journalism and in broadcasting. So, parang tuloy lang ang ligaya,” dagdag pa niya.

Posibleng makatrabaho niya ulit ang naging “katambal” din niya sa radyo at dating Kapamilya news anchor na si Ted Failon, na ngayon ay nasa Kapatid Network na rin.

Ang mga naging programa ni Korina sa ABS-CBN ay ang Hoy Gising! (1992-1997), Balitang K (1996-2001), Bandila (2006-2009), The World Tonight (weekend, 1987-1995), TV Patrol (1995-1996, 2001-2004, 2010-2015), Morning Girls with Kris and Korina (2003-2004), at Rated K (2004-2020).

Public Domain Image