Kakaibang ibon namataan sa isang privately-owned nature reserve sa Rizal




Public Domain Image / Greg Enriquez
  • Mahaba at matulis na tuka
  • Iyan ay kapansin-pansing katangian ng kakaibang ibon na “hoopoe”
  • Namataan ito sa isang privately-owned nature reserve sa Tanay, Rizal

Isang kakaibang ibon ang naispatan ng isang netizen at nakuhanan pa ng larawan sa isang pribadong nature reserve sa Tanay, Rizal. Bibihira lamang makakita ng ganoong klaseng ibon sa Pilipinas, na may mahaba at matulis na tuka.

Ang ibong namataan ng netizen na nagngangalang Greg Enrquez ay tinatawag palang “hoopoe bird” na kapansin-pansin dahil sa mahaba at matulis nitong tuka, o tinatawag na “hornbill.”

Public Domain Image / Greg Enriquez

Nakita ang hoopoe ng netizen noong Oktubre 5, 2020, alas dos ng hapon sa privately-owned nature reserve na Epic Park. Ang unang nakakita nito ay isa sa mga empleyado ng park na nagngangalang Nonoy Burce. Dahil hindi pamilyar sa kaniya ang naturang ibon, tinawag niya si Greg, na nagkataong may magandang camera.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens.

“It is our responsibility to protect the natural world. I hope measures are put in place to protect the remaining wildlife so they can thrive again. We need to plant more trees, protect their natural habitat and put heavy penalties on poachers and those who harm the environment,” panghihikayat ng isa.

Turan naman ng isa, “Such a beautiful creature. God’s creations are indeed amazing. Let us protect them and their natural habitat.”

“This is like seeing a polar bear in EDSA,” saad naman ng isa.

Ang ibon na ito ay isang Eurasian migratory bird na kasinlaki lamang ng kalapati. Bihira lamang itong mapadpad sa Pilipinas. Ayon sa aklat na “Guide to the Birds of the Philippines” noong 2000, wala pa yata sa sampung hoopoe ang nakikita sa Pilipinas.

Public Domain Image

Ilan sa mga lalawigang nakitaan nito ay ang Palawan at Bataan; at ngayon nga, maidaragdag na ang bayan ng Tanay sa Rizal.