James Yap sinagot ang tanong ni Vice Ganda kung totoo bang babaero ang mga basketball player




Public Domain Image
  • Hindi raw totoong babaero ang mga basketball player
  • Iyan ang pahayag ni James Yap
  • Kinapanayam siya ni Vice Ganda sa kaniyang YouTube channel na “Gabing Gabi na Vice”

Tahasang sinagot ng sikat na PBA basketball player na si James Yap ang direkta o tahasang tanong ni Vice Ganda kung totoo bang babaero ang mga basketball players.

Naganap ang pagsagot ni James dahil naging guest siya sa latest episode ng YouTube channel ni “Meme” na “Gabing Gabi na Vice.”

Image capture mula sa YouTube channel ni Vica Ganda

“Kasi, alam mo, yung mga basketball player, araw-araw, takot nga sa magaganda ‘yun eh. Kasi, everyday, practice kami di ba. Magkakasama puro lalaki, everyday iyan. So hindi kami sanay na makakita ng magaganda. Kapag nakakita kami ng magaganda, natotorpe kami. Nai-intimidate kami sa mga babae,” aniya.

Nasa Italy si James upang makasama ang kaniyang misis na si Michela Cazzola.

“Si Mic nag-decide na kung puwede umalis na lang. Ang sabi niya sa akin, mas okay naman daw doon dahil nakakalabas yung bata,” sagot niya.

Bida pa ni James, sinubukan na rin daw niya ang pagti-Tiktok, na usong-uso ngayon.

“Yung mga teammates ko ang nag-convince sa akin na gumawa ng account. Sabi nila, ‘Mag Tiktok ka na rin. Mag Tiktok tayo every practice.’ Nakakahiya nga. Ang tigas talaga ng katawan ko. Wala talaga,” aniya.

Hindi rin pinalagpas ni Vice Ganda ang tanong na “Totropahin o Jojowain” kung saan binanggit ni Vice ang ilan sa mga sikat na female celebrities gaya nina Nadine Lustre, Maja Salvador, Bea Alonzo, Ivana Alawi at Ruffa Gutierrez. Lahat daw ay totropahin niya.

Public Domain Image

Subalit nang mabanggit ang mga naging Miss Universe na sina Catriona Gray at Pia Wurtzbach:

“Si Catriona puwede iyon, jojowain ‘yun. Mga ganoon ang mga type ko eh. Si Pia naman, puwedeng jojowain, puwedeng totropahin. Kung type niya ako.”

Si James Yap ang dating mister ni Kris Aquino, na ama ni Bimby.

Panoorin ang naging panayam ni Vice Ganda kay James Yap via YouTube channel: