“Godzilla theme park” sa Japan ganap nang binuksan




Public Domain Image
  • May bagong theme park sa Japan
  • Ito ay inspired sa popular na character na si “Godzilla”
  • Hango ito sa isang pelikula hinggil sa dambuhalang lizard

Binuksan na sa Japan ang isang theme park na inspired kay “Godzilla,” sa kabila ng pandemya.

Makikita sa Nijigen no Mori theme park sa Awaji Island sa Hyogo ang isang Godzilla-themed area na may sukat na 20 meters high, 25 meters wide at 55 meters) long, na eksaktong-eksaktong sukat ng dambuhalang lizard na mapapanood sa pelikula.

Public Domain Image

Ang “Godzilla Interception Operation” ay kinapapalooban ng iba’t ibang mga espesyal na gawain kagaya ng zipline na diretso sa bibig ni Godzilla, at isang shooting game kung saan, ang mga bisita ay may “misyong” matalo o magapi ang naturang dambuhalang hayop.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Sa ibang bansa tuloy ang buhay dito PINIPIGILAN MABUHAY sa dami ng ginagawang patakaran. Hindi naman maibigay yung mga pangangailangan ng isang pamilya sa araw-araw na pagmumultahin pa pag hindi sumunod,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Dito sa Pilipinas matagal nang bukas ang Godzilla theme park, actually may ‘Corocodile Farm’ pa nga,  tindi pa nang kapit sa puwesto para happiness ang bulsa at bangko!”

“Naku sana nga talagang naka-schedule kami diyan sa Japan kung walang COVID eh. Sana mawala na ang lintik na virus na ito para back to normal na ulit,” wika naman ng isa.

“The legendary figure of Godzilla was first confirmed at the beginning of the Meiji era when a typhoon hit Awaji Island. Godzilla, who appeared with the high waves, roamed the island, causing tremendous damage,” ayon sa post ng website ng theme park.

Public Domain Image

Ang pelikulang Godzilla ay unang naipakilala sa America noong 1954, na naging dahilan upang magkaroon ito ng iba’t ibang remake sa iba’t ibang taon.

Sa 2021, inaabangan na ang pelikulang “Godzilla VS Kong.”