“Dolomite cake” ginawa ng isang bake shop sa Cavite




Imahe mula sa Facebook page ng The Weekend Pâtisserie / Public Domain Image
  • Pinag-usapan ng mga netizens ang isang online bake shop
  • Tampok nila ang kanilang custom-made na “Dolomite cake”
  • Ito raw ay paraan nila ng pagpapahayag ng frustrations sa mga nangyayari sa bansa ngayon

Kamakailan lamang ay naging mainit na usapin ang pagpapaganda ng Manila Bay sa pamamagitan ng “dolomite sand” o artipisyal na buhangin, na ang layunin ay maging kahawig ng sikat na isla ng Boracay ang baybayin ng naturang look. Hati ang naging opinyon dito ng mga netizens, lalo’t nariyan pa rin ang suliranin sa COVID-19.

Kaya naman, “dolomite cake” ang isa sa mga tampok ng bake shop na “The Weekend Pâtisserie” na ibinida nila sa kanilang opisyal na Facebook page. Isa itong online cake and pastry shop na nasa Dasmarinas, Cavite. Bukod sa paggawa ng custom-made cakes, nagbebenta rin sila ng tasty lemon at revel bars.

Imahe mula sa Facebook page ng The Weekend Pâtisserie / Public Domain Image

“The weather got us wondering… wash in or wash out? Just checking in! Stay safe and dry! Make your mañanitas, birthdays, or even meriendas extra special with our custom-made cakes!” nakasaad sa kanilang caption.

Makikita sa ibabaw ng kulay-light blue cake na may dolomite sand ito at traktora, at nakasulat ang mga pahayag na “It really hurtz… P389M (389 million pesos) na ‘yon ghorl?”

Huwag kayong malito, hindi gawa sa literal na dolomite ang kanilang custom-made cake. Iyon lamang ang disenyong makikita sa ibabaw nito. Ayon sa kanila, dito lamang nila idinaan ang pagpapahayag ng “frustrations” sa lahat ng mga nangyayari sa ating paligid ngayon.

Naghahalaga itong 850 piso at gawa ito sa cookies and cream. Gumamit sila ng crushed Oreos para sa kunwaring itim na huhangin, crushed vanilla cookies para sa representasyon ng dolomite, at isang laruang backhoe na nagsisilbing dekorasyon nito.

“We’re so happy that people find it hilarious! It was just our way to express our frustrations with what’s happening right now,” paliwanag nila.

Nagdulot naman ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens.

“Great use of the #dolomitechallenge! Awesome. Would love to order!” saad ng isa.

Pabirong wika naman ng isa, “Ang dami mong haters, grabe! Triggered sila sa cake mo. Itong Dolomite Cake pala dapat ang hiningi ko para sa birthday ko ngayon. Mocha flavor ba?”

Public Domain Image

“Very smart! And you know your target consumers are the ones who can actually afford and paying taxes,” sabi naman ng isa.

Kung nais bumili ng kanilang dolomite ckae, maaaring makipag-ugnayan sa kanilang Facebook at Instagram pages.