Dito Telecommunity, gustong maging number 1




Public Domain Image
  • Maging “number 1” sa Pilipinas
  • Iyan ang nais ng Dito Telecommunity
  • Tinatayang magiging operational sila sa 2021

Nilalayon umano ng Dito Telecommunity na hindi lamang sila kilalanin bilang “pangatlong” telecommunications network sa bansa kundi maging “number 1.”

“‘We don’t want to remain as the third telco, that’s why we said we’re the newest telco because we want to be No. 1,” ayon mismo kay DITO chief technology officer Rodolfo Santiago sa ginanap na virtual briefing noong Huwebes, Oktubre 30, 2020.

Public Domain Image

Ipinagmalaki ni Santiago na nakapagpatayo na sila ng 1,532 towers mula sa 859 towers noong Setyembre. Sapat na raw ang mga bilang na iyon upang maihabol nila ang inaasahang technical audit sa Enero 2021.

Para naman kay DITO chief administrative officer Adel Tamano, nagtitiwala siyang maipapasa nila ang nakatakdang technical audit, at makukuha nila ang required na 37% coverage para sa certificate of public convenience and necessity (CPCN).

Binabalak umano nilang magsagawa ng commercial launch sa darating na Marso 2021, subalit hindi pa ito sigurado.

“That’s the time we’ll provide the phones, SIMs (subscriber identity module). We will figure out customer support and after-sales service,” aniya.

“We already have SIM cards, which are enough to cover the target subscribers that our commercial team has defined,” dagdag pa niya.

Public Domain Image

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Hope that you will be in this country so that people will also be updated especially now that home study is now on going,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Okay iyan para naman hindi makampante ang mga existing internet service providers na pumeteks-peteks at hindi mag-upgrade ng kanilang serbisyo. Keep up naman po!”

“Huwag yung sa una lang maganda. Dami nang una lang maayos, kapag nagtagal balasubas na rin tulad ng dalawang matagal na sa Pilipinas. Masyadong magulang, mukhang pera yung dalawa na ‘yon,” saad naman ng isa.

Ang DITO Telecommunity Corporation ay dating tinatawag na Mindanao Islamic Telephone Company, Inc. o Mislatel). Ito ay isang telecommunications company sa Pilipinas na nasa sektor ng multimedia and information technology.

Ito ay consortium ng Udenna Corporation ni Dennis Uy at subsidiary nitong Chelsea Logistics Corporation, gayundin ang Chinese state-owned China Telecommunications Corporation, na parent company ng China Telecom.