“Dishwashing-inspired cake” kinaaliwan




Imahe mula sa Facebook page ng IshaBakes
  • Isang dishwashing-inspired cake ang kinaaliwan
  • Alay ito ng may-ari ng bakeshop sa kaniyang kapatid na mahilig maghugas ng mga pinagkainan
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon

Kinaaliwan ng mga netizens ang isang kakaibang customized cake na tamang-tama para sa mga taong laging natotoka at masipag na maghugas ng mga pinagkainan sa bahay.

Makikita sa opisyal na Facebook page ng “IshaBakes Dessert Shop” ang kakaibang “dishwashing-inspired cake” na talaga namang kinaaliwan ng mga netizens. Huwag kayong mag-alala: ginagarantiya ng bake shop na hindi naman lasang sabon at bubula ang mga bibig ninyo kapag kinain ito!

Imahe mula sa Facebook page ng IshaBakes

“Birthday cake para sa mga taga-hugas ng pinggan. I’ve been looking for something na dishwashing-inspired cake, kaso wala akong makita, so I came up with this idea. Happy birthday, Kapatid!” ayon sa caption ng may-ari ng bake shop na si Trisha Aliparo, na siyang gumawa ng cake para sa kaniyang kapatid na si Anton, na lagi raw naghuhugas ng mga pinagkainan sa kanilang tahanan.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Feeling ko amoy o lasang sabon tapos bubula ang bibig ko kapag kinain ko iyan hahaha. Pero napaka-amazing ah, lalo na yung nasa itaas na may dishwashing liquid talaga,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “I’m just curious kung paano nagawa yung nasa tuktok! Ang galing ng naisip nilang concept,” sabi ng isa.

“Galing! Mas bet kung plato sana yung nasa ilalim hehehe. Anyway it was a great idea. Well done!” papuri naman ng isa.

Wika naman ng isa, “Okay rin itong iregalo sa mga tatamad-tamad para mainspire silang maghugas ng pinggan. Yung mahal ka pa ng pamilya mo kahit tamad ka sa mga gawaing-bahay. Pinapatamaan ka na kahit papaano masaya ka pa rin.”

Imahe mula sa Facebook page ng IshaBakes / Public Domain Image

Sa ibang bake shop naman, pinag-usapan ang Dolomite-inspired cake na makikita sa pinagandang Manila Bay. Nariyan din ang cake na inspired naman sa mga paso ng bulaklak.

Bunga ng pagkamalikhain: Cake na akala mo’y paso ng bulaklak, nagpatakam at nagpamangha sa netizens