Dimples Romana “Kapamilya” pa rin kahit may bagong sitcom sa “Kapatid” Network




Public Domain Image
  • “Kapamilya pa rin ako”
  • Iyan ang kompirmasyon ni Dimples Romana
  • May mga upcoming projects pa siya sa ABS-CBN Kapamilya Network

Nilinaw ng mahusay na aktres na si Dimples Romana na siya ay isa pa ring “Kapamilya” kahit na may bago siyang sitcom sa TV5 “Kapatid” Network kasama sina Ian Veneracion, Sue Ramirez, Adrian Lindayag, at iba pa, na pinamagatang “Oh My Dad” na mapapanood na sa Oktubre 24, 2020.

Makikita ang kaniyang paglilinaw sa kaniyang Instagram post na nagsilbing promotion niya upang tangkilikin ng mga tagahanga ang kaniyang bagong show. Marami kasing mga netizens ang nagtanong sa kaniya kung tuluyan na ba niyang iniwan ang Kapamilya Network, na nagpasikat sa kaniya.

Imahe mula sa Instagram account ni Dimples Romana

Sagot niya, “Opo. Doing Ibayanihan every Sunday and a serye po in January, sabi ng mga boss ko.”

Nilinaw din niyang nasa ilalim pa rin siya ng pamamahala ng Star Magic kaya isa pa rin siyang certified Kapamilya, kagaya rin nina Maja Salvador, Donny Pangilinan, RK Bagatsing, at iba pang Kapamilya artists na makikita sa mga bagong shows ng TV5.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens.

“Tt’s nice to see good actors and actresses back to work. Congrats to the entire cast and team,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Yehey! I’m happy na hindi ka aalis sa ABS and you are still a Kapamilya despite everything. By the way, congrats to your new show!”

Si Dimples ay isa sa mga homegrown talents ng Star Magic simula pa noong 1997 at nakilala sa iba’t ibang shows ng ABS-CBN. Mas sumikat nang husto si Dimples sa pagganap niya bilang “Daniela Mondragon” sa teleseryeng Kadenang Ginto, kasama si Beauty Gonzales bilang “Romina Mondragon,” na katulad niya ay may show rin sa TV5 na “I Got You,” isang teleserye kasama sina RK Bagatsing at Jane Oineza.

Public Domain Image

Kamakailan lamang ay pinag-usapan si Dimples dahil sa kaniyang sorpresang regalong bahay para sa kanilang kasambahay na si “Ate V.”

Panoorin ang video ng kanilang sorpresa via YouTube channel ni Dimples Romana:

<iframe width=”853″ height=”480″ src=”https://www.youtube.com/embed/3sdpHcmra4w” frameborder=”0″ allow=”accelerometer; autoplay; clipboard-write; encrypted-media; gyroscope; picture-in-picture” allowfullscreen></iframe>