Civil Service Exam planong gawing online




Public Domain Image
  • Posibleng maging online na ang Civil Service Examination
  • Iyan ay ayon mismo kay CSC Commissioner Aileen Lizada
  • Epekto pa rin ito ng kasalukuyang pandemya

Magandang balita para sa mga nagnanais na kumuha ng Civil Service Examination!

Binabalak ng Civil Service Commission (CSC) na gawing online ang pagkuha ng Civil Service Exam dahil na rin sa hindi pa humuhupang pandemya ng COVID-19, ayon sa panayam kay CSC Commissioner Aileen Lizada sa DZMM Teleradyo.

“We need to restructure our pen-and-paper test. In transition, hahanap po ng paraan how to bridge the gap going to online,” pahayag ni Lizada.

Image capture mula sa DZMM Teleradyo

Hinihikayat ni Lizada ang mga Pilipino na may 18 taong gulang pataas na nagpaplanong magtrabaho sa pamahalaan na kumuha ng Civil Service Exam habang “sariwa” pa ang kanilang isipan, o naghihintay na sila makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo.

“Habang fresh pa ang minds ninyo… para once na pag-graduate ninyo at gusto ninyo pumasok sa gobyerno at easily ready na po kayo,” pahayag ni Lizada.

Nirerekonsidera ng komisyon ang 500 pisong fee para sa pagsusulit na ito. Ipagpapatuloy naman sa pamamagitan ng mga webinars ang mga leadership and management certification program nito.

Narito naman ang naging reaksyon ng mga netizens.

“I think this is an amazing opportunity brought about in the worst possible circumstances (obviously). But maybe its time to get rid of ridiculously inefficient pen and paper civil service and board exams and get on with computer based ones. Hopefully this starts modernization of this facet of a professionals life!” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “High possibility of cheating and hacking if that happens, it will be unfair naman sa iba. Kung gagawin iyan, dapat pulidong-pulido.”

Public Domain Image

“Mas maganda po, to continue yung pagdami ng roster ng mga eligible, marami ngayong vacancy sa mga government agencies,” wika naman ng isa.

Tinatayang may 290,000 katao ang nakatakda sanang magsulit sa pamamagitan ng pen-and-paper test noong Marso, na naireset noong 2021 dahil nga sa pandemya. Ikinansela na rin ang lahat ng written career service examinations na nakatakda sana ngayong taon.

Samantala, panoorin ang panayam kay CSC Commissioner Lizada sa DZMM Teleradyo via YouTube channel:

<iframe width=”853″ height=”480″ src=”https://www.youtube.com/embed/_44iDgWr86Y” frameborder=”0″ allow=”accelerometer; autoplay; clipboard-write; encrypted-media; gyroscope; picture-in-picture” allowfullscreen></iframe>