Xian Lim sinubukang mangisda sa Manila Bay; may Chinese proverb para sa lahat




Public Domain Image
  • Namingwit ng isda si Xian Lim sa Manila Bay
  • Tinuruan siya ng isang mangingisda
  • Si Xian Lim ay bahagi ng teleseryeng “Love Thy Woman” 

Ipinagmalaki ng Kapamilya actor na si Xian Lim ang kaniyang pangingisda sa Manila Bay, matapos siyang turuan ng isang mangingisda.

Makikita sa Instagram post ng actor na namimingwit siya sa Manila Bay habang nakaalalay at tinuturuan siya ng isang mangingisda. May hugot pa siya mula sa sikat na Chinese proverbs na pumapatungkol sa pagiging masipag at pagtayo sa sariling mga paa ng isang tao upang makamit ang kaniyang mga pangarap.

Mula sa Instagram account ni Xian Lim

“Give a man a fish, you’ll feed him for a day. Teach a man how to fish, you’ll feed him for a lifetime,” ayon kay Xian.

Kuwento niya, “I had the privilege of learning how to fish in Manila Bay earlier today. Kuya mangingisda taught me his own style and eventually, with enough patience… I caught one!”

At bumanat pa si Xian ng isang joke.

“Ano sabi ng isda nang nahati siya sa dalawa? Eh di… I’m TUNA! Ano sabi ni isda 1 and isda 2? Eh di… ‘Hey! ISDA you?!’ Marami pa pero last ko na iyon…for now. Have a wonderful day everyone! Stay safe!”

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Hahaha, ang witty mo po Kuya Xian. Nasaan po si Ate Kim Chiu? Siya po ba yung kumukuha ng photos ninyo? By the way, congrats po sa teleserye ninyong Love Thy Woman. Sana po magkaroon pa kayo ng teleserye o iba pang project under Kapamilya Channel,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Ano pong masasabi ninyo sa artificial white sand na nariyan sa baywalk? Maganda po ba?”

Public Domain Image

Si Xian Lim ay bahagi ng teleseryeng “Love Thy Woman” kasama sina Kim Chiu at Yam Concepcion, na hindi inakalang magtatapos nang maayos matapos ang pagkakahinto sa mga tapings dulot ng pandemya, at hamon sa franchise renewal ng ABS-CBN.