“Teka Muna”: DJ Loonyo labis labis ang pasasalamat sa mga sumuporta sa kanyang single




Imahe mula sa Instagram account ni DJ Loonyo
  • Nailunsad na ang kauna-unahang single track ni DJ Loonyo
  • Pinamagatan itong “Teka Muna” na nag-number one sa iTunes Philippines 
  • Labis-labis ang pasasalamat niya sa lahat ng kaniyang mga tagahanga na sumuporta sa kaniya

Inilunsad nitong Setyembre 8, 2020 ang kauna-unahang single ng isa sa mga kontrobersiyal at internet sensation ngayon na si DJ Loonyo na pinamagatang “Teka Muna” na inihayag niya sa kaniyang mga social media platforms.

Matapos ang paglulunsad nito sa kaniyang YouTube channel at iba pang social media platforms, pinasalamatan ni DJ Loonyo ang kaniyang mga tagahanga at tagasubaybay na sinuportahan ang kaniyang “Teka Muna” single na may matching dance challenge pa.

Imahe mula sa Instagram account ni DJ Loonyo

“GRABE KAYO, GUYS BUONG PUSO!!! SALAMAT! TO GOD BE THE GLORY! NUMBER 1 – TEKA MUNA by DJ Loonyo sa iTunes Philippines,” pahayag ni DJ Loonyo sa kaniyang opisyal na Facebook page.

Umani naman ito ng papuri at paghanga mula sa mga netizens.

“You deserve all the love and support My QuaranKing. Stay humble and keep soaring high,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Wow! Grabe! Lakas maka-LSS! You’re flying, Loonyo! You can do anything you set your heart and mind to! Congratulations on your new track! Continue to soar high like an eagle (para same na kayo ni “teka muna miss”).”

“You deserve all the blessings and happiness in this world. Huwag mong intindihin ang mga taong walang ginawa kundi mamuna at manghila pababa. God bless, DJ Loonyo,” wika naman ng isa.

Si Rhemuel Lunio o mas kilala bilang DJ Loonyo ay isang Filipino-Chinese dancer, professional disk jockey, artist, choreographer, at social media personality na nakilala dahil sa kaniyang mga dance videos na umaabot sa milyon ang views.

Public Domain Image

Lalo pa siyang nakilala dahil sa “kilig” moment nila ni Ivana Alawi na pinagtatambal sila sa online world. Naitampok na ang kaniyang talambuhay sa drama anthology na “Magpakailanman” sa pagganap ng Kapuso actor na si Jak Roberto.

Tara na’t makisayaw tayo!