Solusyon nina Glaiza De Castro at Irish boyfriend sa kanilang “LDR” kinakiligan




Imahe mula sa Instagram account ni Glaiza De Castro
  • May surpresang customized body pillow si Glaiza De Castro
  • Regalo ito sa kaniya ng kaniyang ka-LDR Irish boyfriend na si David Rainey
  • Miss na miss na raw nila ang isa’t isa 

Hindi napigilan ng pandemya ang “long-distance relationship” ng GMA Kapuso actress na si Glaiza De Castro at kaniyang Irish boyfriend na si David Rainey matapos nitong magbigay ng custom body pillow sa kaniya bilang regalo sa kanilang anniversary.

Makikita sa Instagram post ni “Sanggre Pirena” ang regalong customized body pillow sa kaniya ng Irish boyfie, na talaga namang kinakiligan ng mga netizens at mga tagahanga. Aminado si Glaiza na nakakaramdam siya ng separation anxiety dahil sa mga nangyayari ngayon.

Imahe mula sa Instagram account ni Glaiza De Castro

“Since I have been dealing with separation anxiety for being apart for a few months now, I chose to do things that make me happy like waking up in the morning to see the sunrise and learn surfing, exercising and cooking amongst other things,” kuwento ng aktres sa kaniyang post.

“But this morning, someone surprised me and I’m so grateful ’cause he constantly find ways to be there for me. Though not physically for now. I know we’ll be together again but hopefully, soon. Lol. Maraming salamat at mahal kita,” mensahe ni Glaiza.

Pinasalamatan din niya ang mga kaibigang nagplano umano upang sorpresahin siya.

“Special thanks to our friends who planned this perfectly and woke up extra early to set this up. Sobrang saya lang,” aniya.

Matatandaang noong Enero 23, 2020 ay kinakantiyawan si Glaiza ng kaniyang mga kaibigan sa showbiz, partkular ang pinakamatalik na kaibigan na si Kapamilya actress Angelica Panganiban hinggil sa pagsasapubliko niya kay David sa Instagram account.

Imahe mula sa Instagram account ni Glaiza De Castro

“There is a wait so long, you’ll never wait so long,” caption ni Glaiza sa naturang IG post kung saan makikitang tila nagbibiruan silang dalawa ng kaniyang Irish boyfriend, na naka-tag pa sa Instagram account nito.

Bukod kay Angge, inulan din ng kantiyaw si Glaiza mula sa iba pang mga kaibigan at katrabahong artista gaya nina Garcia, Bela Padilla, Iza Calzado, Diva Montelaba, Jolina Magdangal, Quark Henares, Rich Asuncion, Sheena Halili, Chynna Ortaleza, at Ina de Belen.

Tunay ngang kapag gusto, maraming paraan , ‘di ba?