New normal: Mag-aaral ibinahagi ang kaniyang napagnilayan sa online class




Imahe mula sa Facebook account ni Kim Jewel Marasigan / Public Domain Image
  • May napagnilayan ang isang mag-aaral sa online class
  • Mahirap daw masulyapan ang crush na kaklase
  • Smartphone lamang daw kasi ang gamit niya

Kasabay ng pagharap ng mga mag-aaral sa “Bagong Normal” ng pag-aaral sa pamamagitan ng distance learning, hindi naman naiwasan ng isang mag-aaral na ibahagi ang kaniyang mga napagnilayan sa isinagawa nilang online class.

Ayon sa Facebook post ni “Kim Jewel Marasigan,” sa totoo lamang daw ay hindi naman kailangan ng magandang gadget para makadalo, makibahagi, at makilahok sa mga talakayan sa online class.

Imahe mula sa Facebook account ni Kim Jewel Marasigan

“Ma’am/Sir phone lang po ang gamit ko wala po kaming pambili ng laptop o kaya PC. Ang hirap po i-access ng Google Meet. Hindi ko po makita lahat ng participants pati po yung nagsasalita,” aniya, na bukambibig umano ng mga mag-aaral ngayon.

Dagdag niya at pagbibigay-diin niya, “Hindi mo kailangan ng magandang gadget pang online class kahit anong android phone pwede na.”

Aniya, wala namang problema sa kaniya ang online class, subalit ang napagnilayan niya, nakalulungkot lamang dahil phone lamang ang gamit niya, at hindi niya masilayan ang crush niyang kaklase. Hindi kasi uubra sa smartphone ang isa sa mga features ng Google Meet na “Google Grid View” kung saan maaaring makita ang lahat ng participants o kasangkot sa online class.

“If you were a student like me na phone lang ang gamit sa online class, attending Google Meet na gustong makita lahat ng participants tulad sa laptop or PC ang gamit. Ang hirap ‘di ba kapag isa lang yung nakikita mo kapag nagvi-video conference,” aniya.

Imahe mula sa Facebook account ni Kim Jewel Marasigan

Dagdag pa niya, “May biglang magsasalita tapos hindi mo alam kung sino. Kapag chineck mo naman yung participants kaunti lang yung nakikita na naka-open cam tapos pili pa. Most of the participants eh letter o kaya picture lang ang nakikita mo. Yung mga gustong sumilay sa kaklase nilang crush pero hindi nila makita kasi di ma-access yung grid kapag Google Meet app mismo ang gamit.”

Sa Oktubre 5, 2020 magbubukas ang mga klase sa pampublikong paaralan mula Elementarya hanggang Senior High School, ayon na rin sa atas ng Department of Education o DepEd.

Source :

Facebook