PLDT may limang araw na maintenance sa kanilang cable system; mga kliyente nagpahayag ng pagkadismaya




Public Domain Image
  • Magsasagawa ng emergency maintenance activities ang PLDT
  • Tatagal umano ito ng limang araw
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon sa mga consumer

Naglabas ng advisory ang PLDT na magkakaroon sila ng emergency maintenance activities na maaaring tumagal ng limang araw na magsisimula sa Setyembre 26, 2020 hanggang Setyembre 30, 2020 sa Philippine Standard Time o PST.

“The operator of the international trans-Pacific submarine cable system Asia-America Gateway (AAG), has informed PLDT that emergency maintenance activities will be conducted on AAG submarine cables in the waters of Hong Kong SAR,” ayon sa kanilang inilabas na advisory sa kanilang Facebook page at website.

Imahe mula sa opisyal na Facebook page ng PLDT

“In light of this, we wish to assure PLDT and Smart customers of continued internet connectivity all throughout. We have identified alternative cable systems to keep our connectivity resilient. We have also adopted measures such as traffic rerouting and local caching, ensuring that most frequently downloaded content are located in the Philippines.”

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens.

“Ok naman pala eh, but why are you informing us about this… meaning na may possibility na may di-inaasahang mangyari,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Maintenance pa kayo PLDT wala rin namang pagbabago, napakabagal pa rin ng internet service ninyo! Super bagal din ng customer service sa totoo lang. Dapat yang limang araw na iyan, may rebate sa bill ng consumers ninyo.”

“Ang dami namang galit— lipat kayo sa ibang provider. Wala naman magagawa lahat ng galit ninyo eh, lipat na lang ibang internet service provider. Buti nga nagsasabi pa sila. Kapag hindi naman sila nagsabi, magagalit din kayo. Saan na lang sila lulugar?” wika naman ng isa.

Public Domain Image

Tiniyak naman ng PLDT na hindi maaapektuhan ng kanilang maintenance activity ang mga isinasagawang online classes, work-from-home, virtual meetings at conferences, gayunding ang mga nagnenegosyo sa pamamagitan ng online selling.

“Students can still do their online studies and exams, and users in homes and businesses can go about their normal internet-based activities during this time.”

Upang mas mapaganda pa ang kanilang serbisyo, nakatakda pang magtayo ng tatlong estasyon ang kompanya sa iba’t ibang bahagi ng bansa na papangalang Jupiter, the ADC, at the Apricot projects.