Paolo Ballesteros may reaksyon sa pagbanggit ni BB Gandanghari sa isang Piolo sa vlog nito




Public Domain Image
  • Para kay Paolo Ballesteros, mali ang ginawa ni BB Gandanghari sa pagbanggit sa pangalang Piolo sa “vlog revelation” nito
  • Inungkat kasi ni BB na may namagitan sa kanila ng taong itinago niya sa pangalang “Jonathan”
  • Ayon sa Eat Bulaga host, wala raw karapatan ang sinuman upang “iladlad’ ang ginawa ng ibang tao, kung ang mismong tao ay walang permisong gawin ito, o hindi komportableng gawin ito

Tahasang ipinahayag ni Eat Bulaga host Paolo Ballesteros na hindi siya sang-ayon sa ginawa ni BB Gandanghari, na dating si Rustom Padilla, sa pagbanggit nito sa isang Piolo na umano’y saglit niyang “nakarelasyon”, habang nasa Amerika pa ito noon.

Naging usap-usapan kamakailan ang vlog revelation ni BB sa kaniyang sariling YouTube channel — ang tungkol sa nakaraan umano nina Rustom Padilla at isang nagngangalang Piolo noong 2001. Itinago pa niya ito sa pangalang “Jonathan” na sa kalagitnaan ng kaniyang vlog ay nababanggit na niya ang tunay na pangalan bagama’t walang apelyido.

Public Domain Image

“I would never out someone. I think no one has the right to,” seryosong umanong tugon ni Paolo sa pakikipag-usap sa kanya ng Cabinet Files ng Philippine Entertainment Portal o PEP noong Setyembre 7, 2020.

Subalit binibigyan pa rin daw niya ng benefit of the doubt si BB sa motibo nito. Baka nadala lamang daw ito ng kaniyang damdamin at wala naman talagang intensyong manggulo.

Aniya, “I don’t think BB purposely outed PJ (palayaw ni Piolo) naman, kasi wala akong nakikitang mapapala niya if she outed him. She’s living her life happily sa US, at kung may nangyari man sa kanila or naging sila in the past, if it’s really true, then I don’t think there’s a problem with that at all,” ayon kay Paolo.

Namagitan noon kay Rustom Padilla at isang popular na aktor, ibinulgar ni BB Gandanghari

Hindi naging maganda ang pagtanggap ng publiko sa mga “kiss-and-tell” ni BB, lalo na ng ilang showbiz personalities kagaya nina Manay Lolit Solis at Comedy Queen Ai Ai Delas Alas. Sa palagay nila, nananahimik na ang nakaraan at maling ungkatin kung nagkaroon man o kung ano man ang nakaraan sa pagitan nila ng tinatawag niyang Jonathan (o Piolo).

Public Domain Image

Matatandaan na noong Agosto 2019 ay inamin ni Paolo Ballesteros sa publiko ang kanyang sexual orientation, at nagpasilip na rin siya ng mga larawan nila ng kaniyang partner sa social media.

Umamin naman sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition noong Marso 2006 si Rustom Padilla kay Keana Reeves hinggil sa kaniyang tunay na pagkatao na matagal nang usap-usapan, kahit noong mag-asawa pa sila ni Carmina Villaroel.

Hindi naglaon ay niyakap niya ang pagiging transwoman at nagpalit ng pangalan bilang BB Gandanghari, noong 2009. Sa ngayon ay naninirahan na si BB sa Amerika.