Paglalaro ng video games may kabutihang-dulot nga ba?




Public Domain Image
  • May kabutihang dulot ang paglalaro ng video games
  • Basta’t in moderation lamang o hinay-hinay lamang ang paglalaro
  • Pinagkakakitaan na rin ito ng marami

Sa pagpasok ng makabagong teknolohiya, naging interes na rin hindi lamang ng mga bata, kundi ng mga nakatatanda, ang paglalaro ng video games. Sa ngayon, nagsulputan ang iba’t ibang video games tulad ng Mobile Legends at marami pang iba.

Subalit ayon sa mga eksperto, may mga kabutihang dulot din sa tao ang paglalaro ng video games, basta’t hinay-hinay lamang.

Una, maaari nitong mapalakas ang iba’t ibang mga cognitive skills o kasanayang pangkognitibo o pangkaisipan gaya ng spatial navigation, reasoning, memory, at perception.

Public Domain Image

Pangalawa, makatutulong ito sa mga tao, bata man o adult, upang mapaghusay o mapabuti ang kanilang problem-solving skills at nakatutulong upang mapagyabong ang pagiging malikhain o creativity.

Pangatlo, makatutulong umano ang paglalaro ng video games upang makapag-relaks o nagsisilbing recreational activity, na maaaring gawin nang mag-isa o kasama ang kaibigan, katrabaho, o kapamilya. Sa ibang tao, nagiging daan ito upang makakilala ng iba pa o mapalawak ang social network.

Pang-apat at panghuli, may posibilidad ding matutuhan ang pagiging matatag sa gitna ng pagsubok o pagkabigo. Kung inaakala mong walang kita sa simpleng video games, diyan ka nagkakamali, dahil marami na ring mga gamers ang ginagamit ito bilang trabaho dahil kumikita sila nang malaki sa paglalaro.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Everything should be with limit. Too much could lead you to danger,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Like any hobby, it needs discipline. There’s nothing wrong with video games but only when it’s not excessive. The same goes with playing sports, instruments, crafting, and others.”

Public Domain Image

“It helps me to be creative but playing too much must be bad. But for me, playing video games is my weapon to earn a few amount of money,” wika naman ng isa.

Kahit nga isang professional na ginang na may career sa larangan ng medisina ay nagsabi na, “To stimulate my brain more.  It makes me smarter. With the ways that I do to win the game made me realize that I can do things by just using my brain more.”

Para naman sa isang maybahay sa kanyang early 20’s, isa itong pampalipas oras, pantanggal-bagot at pang-aliw.

Sa kabilang banda, wala namang masama sa paglalaro ng video games, basta’t huwag lamang pababayaan ang ibang mahahalagang bagay, katulad ng pag-aaral, trabaho, mga gawaing pambahay, at relasyon sa mga kaibigan at kapamilya. Hinay-hinay rin sa masyadong pagtutok sa monitor at screen dahil maaaring mapagod o manlabo ang mga paningin. In moderation, ‘ika nga!

Source :

ABS-CBN News