Netizen may pagninilay sa tagumpay ni dating GMA anchor Rhea Santos sa Canada




Public Domain Image
  • Bilib ang isang netizen kay Rhea Santos
  • Siya ay isa sa mga pinakamahuhusay na GMA News Anchor noon
  • Nagtatrabaho na siya ngayon sa Omni News sa Canada

Isa si Rhea Santos sa mga batikang GMA News Anchors na talaga namang hinahangaan sa larangan ng pagbabalita, subalit marami ang nagulat nang magpasya siyang iwanan ang limelight sa News and Public Affairs at magtungo sa Canada upang makasama ang kaniyang pamilya. Kaya naman, dahil sa taglay na talento ay hindi naman nakapagtatakang magtagumpay pa rin siya roon, sa kaparehong larangang iniwan niya sa Pilipinas.

Inspirasyon ang hatid ni Rhea sa isang netizen na nagngangalang “Allen de Guzman” kung saan ipinaliwanag niya sa kaniyang Facebook post ang pagninilay niya sa naging pagtatagumpay ng “one of the most renowned TV News Personality” sa Canada.

Public Domain Image

“Its been a year when this accomplished lady decided to let go her life here in Philippines to migrate in Canada. She’s one of the most renowned TV news personality not just on GMA network, but in the Philippines. But one day she decided to leave everything here in the Philippines, even her 19-year established career on TV, to be with her family overseas — to start all over again,” aniya.

Tumatak sa netizen ang sinabi ni Santos noon sa mga panayam na “Change is never easy but my positive disposition in life helped me go through change.”

“Rhea is currently taking up Broadcast and Online Journalism at the British Columbia Institute of Technology and living her life at its fullest as she went back to her roots — being a News Anchor but this time on the other side of the world.”

“She is now part of OMNI News that serves Filipino and Filipino-Canadians citizens in Canada. Want to know what’s my take here? Your current situation is not your final situation. Don’t conform on spaces that limit your potential. Allow yourself to know more in life and allow yourself to be a beginner, again.”

Napagnilayan ng netizen na huwag matakot na subukin ang mga bagay-bagay sa buhay, kahit ito pa ay malaking pagbabago.

Public Domain Image

“At the end of the day, you’re right that things might not work out. Many things don’t. But that doesn’t mean you shouldn’t try. Because if it does, your entire world can change. The heavens smile upon those who believe in their dreams. I stan empowered women taking up space in the society!!! Keep on taking space.”

Nakabibilib, hindi ba?