Netizen may paalala hinggil sa mga kapitbahay na may online classes o work-from-home




Imahe mula sa Facebook account ni Ced Pel / Public Domain Image
  • May paalala ang isang netizen
  • Kung may kapitbahay raw na mag-aaral o guro na nagsasagawa ng online class o nagtatrabaho sa pamamagitan ng work-from-home scheme, kailangan daw silang igalang
  • Maipapakita ang paggalang sa pamamagitan ng pagtahimik at hindi paggawa ng anomang ingay upang hindi makaistorbo

Marami sa mga nakasanayang pamumuhay ng mga tao noon ang tuluyang nagbago ngayon dulot ng pandemya. Isa na riyan ang tradisyonal na pagdaraos ng mga klase at pagtatrabaho. Hindi na kinakailangan pa ang pagtungo sa mga paaralan o workplace dahil maaari nag isagawa ang pagkatuto sa pamamagitan ng online classes. Maaari na rin ang work-from-home scheme upang makaiwas sa posibleng exposure o pagkabatad sa COVID-19.

Kaya naman, may paalala ang isang netizen na nagngangalang Ced Pel sa mga tao na may kapitbahay na dumadalo sa online classes, o kaya naman ay work-from-home scheme.

Ayon sa kaniyang Facebook post, “Our communities have become schools and workplaces. If you have neighbors who are students, teachers or employees working from their homes, please have the charity to give them quiet place to work. Thank you.”

Imahe mula sa Facebook account ni Ced Pel / Public Domain Image

Kalakip ng kaniyang Facebook post ang larawan ng isang bahay na may karatula sa labas, na nagsisilbing babala sa mga tao upang maging aware sa mga bagay na ito. Nakalagay rito ang mensaheng “SLOW. Online classes ongoing. Quiet please.”

Relate-much naman dito ang mga netizens.

“I feel you Sir. Dito sa amin kahapon pa nag-start ang class ng anak ko kaya maaga namin na experience ang Pasko (Silent Night),” wika ng isa.

Turan naman ng isa, “Thank you very much po for reminding the people about being courteous lalo na sa paggawa ng noise. Minsan, ‘yung iba, wagas kung makapagpatugtog ng sound, o kaya naman nagbi-videoke pa. Thanks Sir Sid Ced for reminding, parang hindi pa nag-sink in ‘yan sa karamihan.”

“Dapat ilagay iyan sa mga lugar na mahilig mag-inuman at magvideoke. Kailangan pa kasing pagsabihan yung iba. At minsan, ang kulit nila. Ayaw mapagsabihan,” pagbabahagi naman ng isa.

Public Domain Image

Sana ay magsilbing paalala ito sa ating lahat!

Source :

Facebook