Netizen iginuhit ang overpass na kinatatayuan ng mga dumagsang tao sa Manila Bay




Imahe mula sa Facebook account ni Chico David / Public Domain Image
  • Kinaaliwan ng mga netizens ang isang sketch
  • Ipinakita ng artist ang overpass na kinatatayuan ng mga dumagsang tao sa Manila Bay
  • Ginawa niyang pataas na arrow ang mismong overpass na naglalarawan sa posibleng hawaan ng COVID-19

Simula nang buksan sa publiko ang bagong bihis na Manila Bay, hindi magkamayaw ang mga tao sa pagtungo rito upang personal na masilayan ito, o kaya naman ay makapagpa-picture dito sapagkat napakaganda nga namang tingnan ang puting buhangin, na artipisyal na white sand na gawa sa “dolomite.”

Kaya naman, ibinahagi ng isang netizen na nagngangalang “Chico David” sa kaniyang Facebook post ang kaniyang sketch na halaw sa mga kumakalat na larawan ng mga taong nagkumpulan sa isang overpass upang makita lamang ang Manila Bay.

Imahe mula sa Facebook account ni Chico David

Ang nakatutuwa, ang overpass ay nilagyan niya ng pataas na arrow na naglalarawan sa posibilidad na magkahawaan ang mga taong naroroon dahil tila hindi na nasunod ang physical distancing.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento sa mga netizens.

“I think the drawing is emphasizing that they needed to have social distancing as a reminder and not about the project. This is only my opinion. Take care everyone and God bless the Philippines!” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Ang galing naman ng artist na gumawa ng sketch. Sa totoo lang, there is no magic wand that can resolve our problems. The solution rests with our work and discipline.”

“Aminin natin na mali talaga ‘yan. Walang social distancing. Lalo na ‘di pa tayo COVID-free! Kulang sa mga disiplina sa sarili. Ang tanong, ano na po ang update sa katiwalian at nawawalang pera sa PhilHealth? Sana po hindi matabunan ng dolomite sand ang mga isyung naka-pending pa rin hanggang ngayon. But the project of our government to clean the bay! VERY NICE!” wika naman ng isa.

Public Domain Image

Sa katunayan, nauso pa ang “#ManilaBayChallenge” kung saan hinihikayat ang mga netizens na mag-post ng kanilang larawang nasa tabing-dagat karugtong ang kuhang larawan ng mga taong nagkumpulan sa overpass upang makakuha ng larawan sa Manila Bay, na tila hindi na naobserbahan ang physical o social distancing.

Source :

Facebook