Netizen binigyang-pugay ang inang guro sa Matematika na kumakasa sa hamon ng teknolohiya




Imahe mula sa Facebook account ni Dave Henson
  • Ipinagmalaki ng isang anak ang kaniyang inang guro ng Matematika
  • Kahit na hirap ito sa teknolohiya, handa pa rin itong matuto para sa pagtuturo
  • Nakiusap ang netizen sa mga mag-aaral na habaan pa ang pisi o pasensiya para sa mga guro

Hindi lamang mga mag-aaral ang maaaring hirap sa online classes kundi maging ang mga guro, lalo na ang mga hindi masyadong maalam sa paggamit ng makabagong teknolohiya, o hindi talaga ito kinalakhan sa kanilang panahon, lalo na ang mga “seasoned teachers.” Sabi nga, parang back to zero ang kanilang pakiramdam sa pagtuturo dahil ibang-iba ito sa pisikal na mga klase.

Kaya naman, ipinahayag ng isang netizen na nagngangalang “Dave Henson” sa Facebook post ang kaniyang paghanga at pagbibigay-pugay sa kaniyang inang si “Ma. Victoria Henson,” apat na dekada nang guro, at kasalukuyang nagtuturo sa Technological University of the Philippines-Manila Campus. Aniya, talagang tinatiyaga nito ang pagtuturo online kahit na nahihirapan ito, lalo na’t asignaturang Mathematics ang itinuturo nito.

Imahe mula sa Facebook account ni Dave Henson

“Educators in the New Normal. I hope you, kids, know how much teachers, especially the non-techy old-gen ones, are struggling to facilitate learning in the new normal. Day after day, they fight really hard to overcome their personal hurdles with technology and devices,” aniya.

Sa pagpapatuloy pa niya, “Now, both mastery of the subject and well thought-out impartation strategies require more technological prowess than they’re used to. I hope you’ll keep that in mind the next time your teachers are having a difficult time with seemingly mundane tasks. Let’s be patient with them in the same way that we want teachers to be patient with us.”

Suportado si Ma’am Victoria ng kaniyang mga anak at maging mga apo.

“Parang siyang may blogging team kasi may taga-set up, direktor, taga-edit ng videos, saka tech support during online classes dahil nahihirapan pa talaga siya sa pag-navigate sa online learning management systems,” ayon kay Dave.

Public Domain Image

Kaya naman paalala niya sa mga mag-aaral, habaan pa sana nila ang kanilang pasensiya sa kanilang mga guro, dahil kung nag-aadjust sila, mas doble pa ang effort ng mga guro.