Naranasan mo na bang masuklian ng candy sa tindahan?




Public Domain Image
  • Bawal palang gawing panukli ang candy sa mga tindahan
  • Batay ito sa Republic Act 10909 o No Shortchanging Act of 2016
  • Maaaring mapatawan ng malaking multa ang negosyanteng lalabag dito

Isang malaking tanong: naranasan mo na bang masuklian ng candy sa tindahan dahil naubusan ng baryang panukli ang tindero o tindera?

Kung oo, alam mo bang ipinagbabawal pala sa batas ang paggamit sa candy bilang alternatibo kung sakaling naubusan ng baryang panukli? Iyan ay ipinaalala ngayong “Law Day,” Setyembre 19, 2020, na itinakda upang ipaalala at ipabatid sa publiko ang ang kahalagahan ng propesyong legal at ng mga batas.

Public Domain Image

Isa sa mga hindi alam na batas ng nakararami na maaaring nalalabag na pala pero hindi naman “big deal” ay ang Republic Act 10909 o mas kilala bilang “No Shortchanging Act of 2016.” Sa ilalim ng Republic Act na ito, kinakailangang maging sakto ang ibigay na sukli sa mga mamimili, at hindi ito dapat sa porma ng candy o ibang goods. Dapat, husto o sakto ang sukli.

“A change is defined as the excess in the payment given by a consumer for goods and services purchased or received from a business establishment. An insufficient change is a change that is less than what is due the consumers,” ayon sa Business Tips.

“It is the duty of a business establishment to give the exact change to the consumer without waiting for the consumer to ask for the same. The business establishment can give an amount greater than the sufficient change, but it cannot give a lesser amount,” dagdag pa.

Sa pagbibigay ng sukli, kinakailangan ding bilangin ng nagtitinda o kahera (cashier) ang sukli sa harapan mismo ng customer o consumer bago ito ipatong sa kamay nila, o sa change tray.

Public Domain Image

Ang sinomang mapatunayang negosyanteng lumabag rito ay maaaring mapatawan ng multa mula 500 hanggang 25, 000 piso depende sa bilang ng offense o paglabag, bukod pa sa kukuning bahagdan ng “gross sales of the business establishment on the day of the violation, whichever is higher.”

At para naman sa mga magrereklamong customer, maaaring gawin ang mga sumusunod:

“The consumer shall write and submit a letter of complaint to the DTI not later than ten (10) working days after a violation has been committed. Failure to submit the letter-complaint within 10 days or attach the required documentary evidence (e.g., official receipt, sales invoice, proof of transaction, police report) shall be a ground for dismissal of the complaint.”

Kabilang din sa batas na ito ang paglalagay ng mga price tags sa mga produktong itinitinda.