Mga peso bills na dumaan sa photo enhancement at colorization hinangaan




Public Domain Image
  • Napabilib ang mga netizens sa photo enhancement at colorization ng mga peso bills
  • Gawa ito ng isang grupo o pangkat sa Facebook na “Kulay Colorization
  • Magmula sa 20 pesos hanggang 1000 pesos ay ginawan nila ng photo enhancement

Bahagi ng buhay ng mga Pilipino ang paggamit ng pera upang makabili ng mga pang-araw-araw na pangangailangan. Lahat na yata ng mga peso bills ay dumaan na sa rebisyon o pagbabago. Ngunit ano nga ba ang hitsura nito kung dumaan sa matinding photo enhancement o colorization?

Iyan ang sinubukang gawin ng pangkat na “Kulay Colorization” kung saan kinaaliwan ng mga netizens ang kanilang photo enhancemnt at colorization sa mga peso bills na mayroon tayo ngayon. Gawa ito ng digital artist na si Adlai Garcia Jawid. Makikita sa kanilang opisyal na Facebook page na talaga namang napakahusay ng kanilang pagkakagawa: para na kasing mga tunay na larawan ng mga bayani ang nakalagay sa mga peso bills.

Imahe mula sa Facebook page na Kulay Colorization

Makikita ang na-enhance na larawan ng mga dating pangulo ng Pilipinas na sina Manuel L. Quezon sa 20 pesos, Sergio Osmena para sa 50 pesos, Manuel Roxas sa 100 pesos, Diosdado Macapagal sa 200 pesos, Corazon Aquino at asawang si Senador Ninoy Aquino.

Para naman sa 1000 pesos, nariyan sina Chief Justice Jose Abad Santos, Civic Worker at isa sa mga naging tagapagtatag ng Girl Scouts of the Philippines, at siĀ  Vicente Lim, na naging heneral ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas o Philippine Army, at kauna-unahang Pilipinong nagtapos sa West Point.

May “disclaimer” naman ang Kulay Colorization para sa lahat ng kanilang mga followers.

“ALL PHOTOS FEATURED ON THIS PAGE ARE NOT FOR SALE AND HAS NO COPYRIGHT INFRINGEMENT INTENT. IF YOU CLAIM THAT THE PHOTO IS YOURS, LET US KNOW IMMEDIATELY SO WE CAN GIVE THE PROPER CREDIT OR REMOVE IT ON OUR PAGE,” saad nila.

Public Domain Image

Dagdag pa nila, “THESE COLORIZED PHOTOS ARE NOT AND WILL NEVER BE A SUBSTITUTE TO THE BLACK AND WHITE PHOTOS. WE TRY TO GET THE COLORS AS CLOSE AS POSSIBLE BY CAREFUL RESEARCH. IF YOU HAVE SUGGESTIONS, DON’T HESITATE TO SEND US A MESSAGE.”

Bukod sa mga peso bills, ginawan din nila ng photo enhancement at colorization ang iba’t ibang larawan ng mga bayani at makasaysayang lugar sa Pilipinas. Ang galing talaga, ‘di ba?

Mapapaisip ka tuloy. Kung ang inyong pamilya ay may mga larawan na sobrang pinakupas ng panahon, puwede pala nating ipa-restore ano? Tignan ang iba pa nilang gawa.

CLICK ang imahe para makita ang mga likha via FB