Medical Scholarship Bill isinusulong para sa mga nagnanais na maging doktor




Public Domain Image
  • Isinusulong ng Senado ang Medical Scholarship Bill
  • Tinatawag din itong “Doktor Para sa Bayan” na iniakda ni Senador Joel Villanueva
  • Naglalayon itong matulungan ang mga karapat-dapat na mag-aaral na nagnanais maging doktor

Inaprubahan ng Senado ang ikatlo at pinal na reading para sa isang panukalang batas na nagsusulong na magkaroon ng full scholarship grant sa mga Pilipinong magnanais na maging doktor, lalo na’t sila ang mga pinakakailangan ngayon at maituturing na frontliners na susugpo sa pandemya ng COVID-19.

Ang naturang Senate Bill No. 1520 na tatawaging Medical Scholarship Bill o “Doktor Para sa Bayan” ay inakda ni Senador Joel Villanueva; chair ng Senate higher education committee. Nakakuha ito ng 22 affirmative votes at wala namang bumoto para tanggihan ito.

Public Domain Image

“We are at war and the doctors are the combatants. Just as we train soldiers in peacetime so must we train more in times of war. So let it be now,” ayon kay Senador Villanueva.

Dagdag pa niya, “Unfortunately we only have nine public medical schools in the country while medical education remains the most expensive course in the Philippines. Ngayon po, kahit sinong Pilipino, anoman ang antas sa kaniyang buhay, kayang tuparin ang pangarap na maging doktor.”

Ang naturang panukalang batas ay naglalayong magbigay ng medical scholarship at return service program para sa mga karapat-dapat na mag-aaral, sa mga state universities at colleges o SUCs sa pakikipagtulunganĀ  ng mga private higher education institutions o PHEIs.

“The scholarship grant will cover tuition and all other school fees, including board and lodging, transportation, and other miscellaneous expenses. Internship, medical board review, and license fees will also be included in the scholarship,” paliwanag pa ng senador.

Public Domain Image

Ayon naman kay Senate President Tito Sotto III, “This law will help the healthcare system sector to be better prepared for similar health emergencies in the future. It will help financially-challenged but deserving students to pursue their dreams of becoming medical doctors to serve our country and our countrymen.”

Naniniwala umano siyang magaling ang mga Pilipino sa larangan ng medisina, at kaya ng bansa na magtaguyod ng mga world-class doctors na maipagmamalaki sa buong mundo.