Lalaki sa London ginawang face mask ang ahas




Public Domain Image
  • Ginawang face mask ng isang lalaki ang alagang ahas
  • Inakala ng mga kapwa-pasahero sa bus na ito ay palamuti lamang
  • Nangyari ito sa London, England

Kung kamakailan lamang ay napabalita ang isang lalaking ginawang face mask at face shield ang mga dahon ng saging, sa London naman ay usap-usapan ang isang lalaking ginawang face mask ang isang ahas, na ikinagulat ng kaniyang mga kapwa-pasahero sa isang bus.

Naganap ito sa Manchester noong Martes, Setyembre 15, 2020, kung saan buong akala ng mga kapwa-pasahero sa loob ng bus, ay sadyang makulay lamang at balat ng ahas ang palamuti ng face mask na suot ng lalaki: iyon pala, ito pala ay totoong ahas.

Image capture mula sa YouTube

“At first I thought he had a really funky mask on, then he let it crawl around the handrails. No one was really bothered on the bus but a man behind took a video. It was definitely entertaining,” ayon sa isang saksi.

Nakapulupot sa leeg at bandang mukha ang katawan ng naturang python, na ginawa niyang alternatibo sa face mask. Kagaya sa Pilipinas, mandatoryo sa England ang pagsusuot ng face mask o face shield kapag nasa pampublikong sasakyan, upang maiwasan ang hawahan ng COVID-19 na hanggang ngayon ay pandemya pa rin.

Nagpaalala naman ang mga awtoridad na ang tanging maaaring gamitin bilang panakip sa mukha ay surgical masks, scarves o bandana.

“While there is a small degree of interpretation that can be applied to this, we do not believe it extends to the use of snakeskin, especially when still attached to the snake,” paliwanag ng isa sa mga kinauukulan doon.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizeng Pilipino.

“Dapat kumpiskahin lahat ng ahas niyan para hindi kung ano-anong kalokohan ang naiisip, akala niya siguro cute yung ginagawa niya. Baka hindi sa COVID-19 mapahamak ang mga tao kundi sa tuklaw niyan,” wika ng isa.

Public Domain Image

Turan naman ng isa, “Sino bang makakaisip na gawing face mask ang ahas? Sabagay, paniki nga kinakain eh. What more pa yung mga ganiyang kaweirduhan?”

Hindi rin umano dapat gawing face mask ang iba pang mga hayop gaya ng jellyfish, pusa, sloth, at tarantula.