Jericho Rosales parang hindi tumatanda ayon sa mga tagahanga; anak na si Santino parang kapatid lang niya




Imahe mula sa Instagram account ni Santino Rosales
  • “You’re the coolest dad I know!”
  • Iyan ang pahayag ni Santino Rosales sa amang si Jericho Rosales na nagdiwang ng kaarawan
  • Namangha ang mga tagahanga ng aktor dahil para lamang silang magkapatid

Isa sa mga pinakamahuhusay na aktor ng Philippine Showbiz si “Jericho Rosales” na talaga namang nagiging markado o tumatatak sa mga manonood ang kaniyang mga papel na ginagampanan, mapa-pelikula man iyan o teleserye. Ilan sa mga ito ay ang unang “Pangako Sa’Yo” na pinagbidahan nila ni Kristine Hermosa, at ang “Halik” kasama sina Yen Santos, Yam Concepcion, at Sam Milby.

Kamakailan lamang ay nagdiwang si Echo ng kaniyang ika-41 kaarawan, bagay na ikinamamangha pa rin ng mga tagahanga at tagasubaybay niya dahil hindi pa rin halata sa kaniya ang edad, lalo na nang masilayan nila ang binata na nitong anak na si Santino Rosales, na anak niya sa kaniyang dating karelasyon. Tampok sa kaniyang Instagram post ang sweet message niya para sa kaniyang ama, na tinagurian niyang “Coolest dad.”

Imahe mula sa Instagram account ni Santino Rosales

“Balance. Whether it’s internal or external, you always remind me in subtle ways that balance is key to a happy life. Thank you for being one of my biggest inspirations and source of support and joy. I’m glad that we can share so many beautiful things in this world like the joy of driving and working out. You’re the coolest dad I know! Once again, thank you for all the love and the guidance. I miss you and I love you dad! Happy birthday!” ani Santino.

Namamangha ang mga netizens dahil hindi nila akalaing 41 taong gulang na si Jericho, at parang mag-kuya lamang sila ng kaniyang anak na si Santino, batay sa kanilang mga larawan, lalo na kapag pinagtabi na sila.

“This man doesn’t get old! Geez! Happy Birthday!” pagbati ng isa.

Turan naman ng isa, “Parang mag-tropa lang sila. Hindi tumatanda si Jericho! Ageless, ang pogi pa rin. How to be you po?”

“Akala ko magkumpare o magbarkada lang sila hehehe,” sabi ng isa.

Isa pa sa mga hinahangaan ng mga netizens na tila hindi tumatanda at parang tropa lamang ang anak ay si Piolo Pascual, na suportado ang kaniyang anak na si Inigo Pascual na gumawa ng sariling pangalan sa industriya ng musika, malayo sa genre ng kaniyang ama, na mahusay rin namang kumanta ng mga ballad songs.

Public Domain Image

Si Jericho ay mister ni Kim Jones na isang Australian digital creative and fashion influencer sa social media. Kilala rin siya bilang blogger, stylist, designer, at photographer.

Source :

Instagram, News 5