Japanese artist nilagyan ng disenyong ramen ang face mask




Public Domain Image
  • Nagbunsod ng pagkaaliw sa mga netizens ang isang face mask
  • Tinawag itong “3D ramen mask” dahil may disenyo itong ramen o noodle soup
  • Pinagkatuwaan lamang ito ng isang Japanese artist dahil sa fog na nabubuo sa kaniyang eye glasses

Isa ka rin ba sa mga nakasuot ng eye glasses na malabo na nga ang mga mata, ngunit lalo pang pinalalabo ng fog na nabubuo sa mga salamin nito dahil sa pagsusuot ng face mask?

Dinisenyuhan ng Japanese artist na si Takahiro Shibata’s ang kaniyang face mask ng ramen, isang sikat na uri ng pagkaing noodles, upang maging katuwa-tuwa ang pagkakaroon ng fog sa kaniyang eye glasses dulot ng pagsusuot nito sa tuwing lalabas ng bahay sa panahon ngayon ng pandemya.

Imahe mula sa Japan Today

“But Shibata has turned the annoying side effect into a one-of-a-kind piece of art. The more his glasses fog up, the hotter and steamier the noodle soup on his ‘ramen mask’ appears to be. Shibata, an animator and artist, initially set out to solve the problem bugging many a spectacles wearer who dons a mask to protect themselves from COVID-19,” ayon sa ulat ng Japan Today.

Gusto lamang daw pasayahin ni Shibata ang kaniyang sarili at ang ibang tao dahil sa dibuho ng kakaiba niyang face mask. Wala umano siyang balak na gumawa nang marami nito at ibenta sa iba. Sa ilang mga pagkakataon lamang daw niya gagamitin ito, ayon sa kaniya. Medyo may kabigatan daw kasi ang naturang face mask.

“The ‘bowl’ is filled with cotton and it weighs almost as heavy as a stuffed toy. So it doesn’t feel comfortable when I put it on,” aniya.

Pumatok naman ito sa mga netizens at nagbigay sila ng komento hinggil dito.

“Pero sana yung sinolve mo na lang ay yung fogging problem, water with soap lang ‘yan. Pero effort is effort and art is art. Kudos!” pagbati ng isa.

Public Domain Image

Payo naman ng isa, “May anti fog naman po, isang patak lang sa lens hindi na magkaka-fog… Try it nang maibigan ninyo.

Ang naturang 3D ramen mask ay likha mula sa felt at clay. Lahat ng posibleng sangkap ng isang ramen ay matatagpuan sa kaniyang disenyo tuland ng chashu braised pork, green onions, bamboo shoots, isang hiwa ng fish cake.