“Good Morning Towel” may face mask version na rin




Imahe mula sa Shoppee
  • May face mask version na ang isang uri ng towel
  • Pinangalan itong “Good Morning Mouth Mask”
  • Mabibili ito sa halagang 180 piso

Pamilyar ka ba sa puting “Good Morning towel?”

Isang local shop ang gumawa ng face mask version ng naturang puting tuwalya na tila ba naging tatak na rin ng kulturang Pilipino dagil madalas itong ginagamit ng mga pangkaraniwang mamamayan bilang pamunas sa pawis o inilalagay sa likod upang hindi matuyuan ng pawis.

Ang “Good Morning Mouth Mask” ay nilikha ng novelty shop na “Tickles”  na itinayo pa noong 1979, na yari naman sa authentic iconic towels.

Imahe mula sa Shoppee

“The mask is made from the actual towels and the print of each will have slight imperfections and each mask will differ because of the nature of the towel. Some may have over or irregular print but that’s what adds to the charm of this item,” ayon sa deskripsyon ng produkto.

Ang naturang mouth mask ay binubuo ng dalawang outer at dalawang inner layers ng fabrics. Nagkakahalaga itong 180 piso.

“Breathable, washable and reusable face mask. May protect against dust and dirt from the environment. It is advisable to wash before use for hygienic purposes,” ayon pa rito.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“The mask, while definitely kitschy, feels very well made. The size will cover most faces. There is no slot for a filter, if that’s an issue for you. Ear loops are OK. Overall not a bad buy all things considered,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Masyadong manipis at absorbent ‘yan. You need at least layer of different types of non-porous fabric for an effective cloth face mask.”

“Favorite face towel ng ating magigiting na jeepney driver, ngayon ay face mask na. How innovative!” papuri naman ng isa.

Imahe mula sa Shoppee

Available na sa online shopping na “Shoppee” ang naturang Good Morning Mouth Mask.