DepEd ibinasura ang panawagang “academic freeze”




Public Domain Image
  • Hindi pabor ang DepEd sa “academic freeze”
  • Tuloy ang pagbubukas ng mga klase sa Oktubre 5, 2020
  • Nangangahulugan itong tigil muna ang school year sa taong ito

Tuloy na tuloy pa rin ang pagbubukas ng mga klase sa Oktubre 5, 2020 dahil hindi pinaboran ng Department of Education o DepEd ang panawagang “academic freeze” at tinawag pa nilang “ill-informed” ang pagsusulong nito, lalo na’t nakahanda na ang lahat, bukod pa sa marami na ang nakapag-enrol.

Matatandaang naging trending kamakailan sa social media ang hashtag na #AcademicFreezeNow na nananawagang huwag munang ituloy ang pagbubukas ng mga klase dahil hindi lahat ay may kakayahang makisabay  para sa blended/distance learning. Isa pa, hindi pa nawawala ang pandemya ng COVID-19.

Public Domain Image

Ayon kay DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan, “We believe that this call for academic freeze is a populist position that is not popular, because we already have the support of as many as 24 million learners and their parents who have enrolled and are ready to participate in distance learning.”

Dagdag pa niya, “This position is also a short-sighted position. It does not take into consideration the trade-off of prolonged interruption in the learning process of the children.”

Hati naman ang opinyon ng mga netizens hinggil dito.

“Hindi na mindset ng mga estudyante ang matuto. Mindset na nila ngayon ang makapagpasa ng requirements on time. Sobrang hirap kahit sabihin mong kompleto ka sa gamit, hindi ka basta matututo on your own,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Huwag muna mag-enrol kung ayaw ganoon lang po kadali iyon. Basic, kapag gusto may paraan, kapag ayaw naman maraming dahilan.”

“DepEd naman. Oo, alam nating lahat na education is very essential but in this time of pandemic wala din kayong consideration?” wika ng isa.

Public Domain Image

Pahayag naman ng isa, “I’m not asking for academic freeze, but sana uniformed tasks. Para sa akin dapat nga downgrade itong online class eh. Yun lang, hindi ako nag-aaral nang mabuti para ma-torture, pero i-regulate ninyo yung mga gawain.”

Samantala, para naman kay Commission on Higher Education o CHED Chairman Prospero de Vera, pag-aaralan niya kung uubra nga ba ang “academic freeze” kapag may data-based discussions na at nasa legal na batayan.