Coleen Garcia nagsilang na sa pamamagitan ng water birth sa bahay




Imahe mula sa Instagram account ni Coleen Garcia
  • Nagsilang na si Coleen Garcia
  • Pinangalan nila itong baby boy “Amari”
  • Unmedicated water birth ang prosesong ginawa kay Mrs. Crawford

Masayang ibinahagi ng celebrity couple na sina Coleen Garcia at Billy Crawford ang pagkakasilang sa kanilang firstborn baby na pinangalanan nilang “Amari” sa kani-kanilang mga social media accounts.

Makikita sa Instagram post ni Coleen ang kaniyang panganganak sa kanilang bahay, sa pamamagitan ng unmedicated water birth.

Imahe mula sa Instagram account ni Coleen Garcia

“There’s so much I wanna say, but for now, I just want to praise God for being so so good. Thank you, Lord, for our beautiful Amari,” caption ni Coleen sa kaniyang IG post. Inulan naman ito ng pagbati mula sa kanilang mga kasamahan sa showbiz.

Todo-suporta naman si Billy sa buong panahon ng pagsilang ni Coleen kay Baby Amari, na mapatutunayan sa kanilang mga kuhang larawan. Kahit bago pa man manganak ang misis, ipinahayag na ni Billy ang kaniyang paghanga para sa katatagan ni Coleen, na tinawag niyang “strongest woman.”

“Words can’t express the gratitude I have for this beautiful wife and mom-to-be. Thanks for your sacrifices, patience, love, care, worries, and strength. My only prayer in life is to turn out to be a great father but an even greater husband. I love you my Queen. You are absolutely gorgeous!#myeverything,” ayon sa Instagram post ni Billy ilang araw bago tuluyang manganak ang misis.

At matapos masaksihan ang hirap sa panganganak ng misis, narito naman ang naging mensahe ni Billy para sa kay Coleen.

“Words can’t express what I’m feeling right now. Let me just say, thank You Father God for You have given us an angel! Also, bow and salute to you my strong, fearless, gorgeous, and loving wife! I have nothing but respect and gratitude for you!”

Imahe mula sa Instagram account ni Coleen Garcia

Umani naman ito ng mga reaksyon at pagbati mula sa mga netizens.

“Congratulations, Billy and Coleen! Welcome to the world, baby Amari! Ang cute naman niya!” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Congrats to you and Coleen!! So happy for you both and your next chapter as parents. Sana naman maging maayos ang inyong pagmamagulang lalo na sa panahon ngayon ng pandemya.”

Pagbati sa inyo, Billy at Coleen!