Cavite Governor Jonvic Remulla nagpaalala sa publiko; leisure travel iwasan muna




Public Domain Image
  • Pinag-usapan ang Twitter post ni Cavite Gov. Remulla
  • Paalala ito sa mga turista na iwasan muna ang leisure travel sa Tagaytay
  • Dahil sa malamig nitong klima ngayon, posible ang mabilis na transmission ng COVID-19

Pinaalalahanan ni Cavite Governor Jonvic Remulla ang publiko na bagama’t malamig at masarap pasyalan ang Tagaytay sa panahon ngayon ng Setyembre, pakaiwasan muna ang leisure travel dahil high-risk na makakuha ng COVID-19 kapag malamig ang lugar, lalo’t hindi pa naman humuhupa ang pandemya.

“The weather in Tagaytay is HIGH-RISK for COVID-19 infection. As we continue to battle this pandemic, it is not suitable to do leisure travel at this point in time,” ayon sa Twitter post ni Cavite Gov. Remulla nitong Setyembre 15, 2020, na sinang-ayunan naman ng mga netizens.

Imahe mula sa Facebook account ni Cavite Governor Jonvic Remulla

Dahil sa bahagyang pagluwag ng mga local travel restrictions, marami sa mga taga-Metro Manila na “naburyong” sa ilang buwang community quarantine ang sabik na sabik nang maglakbay upang makasagap naman ng sariwang hangin at makaalis naman sa kanilang mga lugar. At isa sa mga madalas na dinarayo ng mga turista ay ang Tagaytay na kilala sa magagandang pasyalan at malamig na klima lalo na sa season na ito.

Inireklamo naman ng mga residente ang traffic buildups at pagdagsa nga ng mga turista sa area, na aakalaing wala na ang krisis pahinggil sa kalusugan. Nanawagan ang marami para sa mas istriktong protocols at checkpoints.

Narito naman ang ilan sa mga komento ng mga netizens.

“Para silang mga nakawala sa hawla. Sana Gov medyo higpitan yung papasok sa Cavite or Tagaytay. I’m living in Tagaytay and last Sunday grabe po talaga ang turista. Halos taga-Tagaytay na lang po nag-adjust at kami na lang po ang pumasok sa mga sarili naming bahay kaysa lumabas pa,” ayon sa isa.

Sabi naman ng isa, “It’s very windy in Tagaytay. So virus droplets suspended in the air will easily get to you, even with social distancing. More people, more chances of COVID-19 droplets, more chances of transmission.”

Imahe mula sa Twitter account ni Cavite Governor Jonvic Remulla

“Open na po kasi ang Tagaytay for tourist kaya siguro wala na humaharang. Be consistent na lang po sana sa pagsita. Hindi pa po tapos ang pakikibaka laban sa pandemya,” turan naman ng isa.

Kamakailan nga ay binuksan na ang “Sky Ranch” sa Tagaytay, subalit mahigpit pa ring ipinatutupad ang mga health protocols.