Cardinal Tagle nagpositibo sa COVID-19; humihiling ng panalangin




Public Domain Image
  • Hindi nakaiwas si Cardinal Tagle sa COVID-19
  • Positibo ang resulta ng kaniyang swab test 
  • Umuwi siya rito sa Pilipinas noong Setyembre 10,2020

Nagpositibo sa COVID-19 si Cardinal Luis Antonio Tagle, ayon sa resulta ng swab test na isinagawa sa kaniya, na nagkataong kauuwi lamang sa Pilipinas noong Huwebes, Setyembre 10, 2020.

Iniulat sa “Vatican News” ang pagkakapositibo sa COVID-19 ng “Prefect of the Vatican Congregation for the Evangelization of Peoples na kinumpirma rin ni Matteo Bruni,  Direktor ng Holy See Press Office nitong Biyernes, Setyembre 11, 2020.

Public Domain Image

“Cardinal Tagle actually tested positive for Covid-19 with a pharyngeal swab carried out yesterday on his arrival in Manila,” ayon sa pahayag ni Bruni.

Si Cardinal Tagle, na siya ring presidente ng Caritas Internationalis na samahan ng mga Catholic charities sa buong mundo, ay kauna-unahang pinuno ng Vatican dicastery na tinamaan ng COVID-19.

Sasailalim sa self-quarantine si Cardinal Tagle dahil asymptomatic siya na nangangahulugang hindi siya nakararanas ng mga tipikal na sintomas nito gaya ng ubo, sipon, at mataas na lagnat.

Ang nakapagtataka rito, nagpa-swab test daw si Cardinal Tagle habang siya ay nasa Roma pa, noong Setyembre 7, 2020 kung saan negatibo ang lumabas na resulta.

Bago pa mangyari ito, nakapagdaos pa siya ng online recollection at sa gawain ng Caritas Philippines at Dilaab Foundation na pinamagatang “Kaunting Pahinga (A Little Rest).”

Mensahe niya, huwag naman daw sanang samantalahin ng ilang mga negosyante na pagkakitaan ang pandemya, lalo na’t marami ang nawalan ng trabaho at hindi alam kung saan kukuha ng pag-agdong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Public Domain Image

“As many people are suffering and getting poorer, there are some businesses and probably individuals who are taking advantage of the situation. And they know how to capitalize on the sorrow and the needs of others for their profitability,” aniya.

Humihingi naman ng dasal ang kardinal sa kaniyang agarang paggaling, na ngayon ay nasa 63 taong gulang.