Architect ibinida ang artwork na nagpapakita ng mga Japanese anime characters




Imahe mula sa Facebook account ni Raymond Pajo / Public Domain Image
  • Napabilib ng isang arkitekto na si Raymond Pajo ang mga netizens
  • Hindi dahil sa blueprint kundi sa isang artwork
  • Itinampok niya kasi ang mga sikat na Japanese anime characters at napakaraming pinasaya

“Batang anime ka rin ba?”

Nostalgia ang hatid ng isang arkitekto matapos niyang ibida ang kaniyang artwork na nagtatampok sa mga sikat na Japanese anime characters na naging bahagi ng paglaki ng ilang kabataan noon, lalo na ang panonood nito sa kani-kanilang mga telebisyon.

Imahe mula sa Facebook account ni Raymond Pajo

Itinampok o ng 26 na taong gulang na arkitekto na si Raymond Pajo ang kaniyang likhang-sining sa kaniyang Facebook post, kung saan pinagsama-sama niya ang mga anime characters na sina Voltes V, Doraemon, Slam Dunk, Naruto, Pokemon, Ghost Fighters, at marami pang iba.

“Yung magmamadali ka umuwi sa hapon para maabutan sila. Nakakamiss, ‘di ba? Masaya lang alalahanin ‘yung mga libangan namin noon. Simple at masaya,” ayon sa kaniyang post.

Karamihan sa mga Japanese anime noon ay nauunawaan ng kabataan dahil sa Tagalog dubbing. Noon, puro anime ang napapanood tuwing hapon.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Napakagaling! Keep up the good work. Papagawa na po ko portrait soon HAHAHA,” pabirong sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Hay naku! Tama ‘yan. Dati, nagmamadali kaming umuwi ng mga kaibigan ko para lang mapanood ang mga anime sa hapon at gabi. Hahaha. Natatandaan ko pa noon, anime ang ipinantapat ng isang network sa pamamayani ng mga Mexican novela noon sa Primetime haha.”

Public Domain Image

“Very nostalgic naman ang dulot nitong artwork na ito! Noon, pinagagalitan ko pa ang mga bunsong kapatid ko kapag hawak nila ang remote control at may iba silang anime na pinapanood,” wika ng isa.

Saad naman ng isa, “Grabe, everytime na dadaan ito sa feeds ko, gusto kitang kurutin sa pisngi Monmon Mamon hahaha drawing mo din tayo na naglalaro ng patintero hahaha. Mahusay!”

Ikaw, alin sa mga Japanese anime characters na nasa artwork ang paborito mo at tumatak sa iyong pagkabata?