Angelica Panganiban awat na sa paggawa ng mga teleserye




Public Domain Image
  • Namaalam na ang Kapamilya actress na si Angelica Panganiban
  • Hindi sa network kundi sa paggawa ng mga teleserye
  • Personal umano ang kaniyang dahilan na hindi na niya idinetalye

“Walang Hanggang Paalam” ang pamagat ng bagong teleserye ng Kapamilya actress na si Angelica Panganiban, subalit ito na pala ang huling teleserye niya dahil “namaalam” na siya sa paggawa ng mga proyektong gaya nito.

Ipinahayag ni Angge ang pamamaalam niya sa paggawa ng teleserye sa virtual press conference na isinagawa para sa premiere telecast ng “Walang Hanggang Paalam” kasama sina Paulo Avelino, Zanjoe Marudo, at Arci Munoz, na dapat sana ay pagbibidahan nina Julia Montes at Nadine Lustre.

Teleserye nina Angelica, Paulo, Zanjoe, at Arci tuloy na tuloy na

“Masaya ako at ang nakasama ko sa project na ito ay ang grupong ito dahil gusto ko na magpaalam sa larangan ng teleserye,”  pahayag ng aktres, sa host ng press conference na si MJ Felipe, isa sa mga showbiz reporter ng Kapamilya Network.

Hindi tiniyak o idinetalye ng aktres kung ano ang rason niya sa kaniyang desisyon; basta’t ang sabi lamang niya, “Dito ako nakapag-decide kung ano talaga iyong mahalaga sa buhay.”

Nilinaw din niyang hindi ito nangangahulugang iiwanan na niya ang ABS-CBN, gaya ng ibang mga kasamahan, na nangangailangan na ring magtrabaho para sa kanilang mga pamilya.

“But siguro hanggang dito na lang po muna ang mga trabahong gagawin ko pagdating sa soap opera,” pagbibigay-diin niya. Kaya naman, hinikayat niya ang kaniyang mga tagahanga na panoorin siya sa “WHP” dahil ito na nga ang huling teleseryeng gagawin niya.

Sa ngayon ay isa nang ganap na host si Angelica sa kaniyang podcast na “Ask Angelica” na nagsimulang mapanood noong Biyernes ng gabi, Setyembre 25, 2020 sa Facebook pages at YouTube channel ng ABS-CBN, Star Cinema, Star Music, Rise Artists Studio, at Sinehub.

Naging guests niya sa digital show sina Kean Cipriano, Via Antonio, at mga BFF sa showbiz na sina Kim Chiu at Bela Padilla. Naging usapan nila ang “Pag-ibig in the time of Pandemic” sa Episode 1.

Imahe mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

Mapapanood ang “Walang Hanggang Paalam” sa Lunes, Setyembre 28, 2020 sa Kapamilya Channel sa cable TV, Kapamilya Online Live at iWant-TFC.

Panoorin ang kabuoan ng virtual press conference ng ABS-CBN Entertainment sa pamamagitan ng YouTube channel: