Restaurant owner, may complimentary meals para sa mga frontliners




  • May treat ang isang restaurant owner sa mga frontliners
  • Ito ay complimentary whole day meals para sa 5 frontliners kada linggo
  • Matagal na niyang ginagawa ang ganitong pagkakawanggawa

Ang mga frontliners ay mga itinuturing na makabagong bayani na nakikipagsagupa at humaharap sa pagsugpo sa COVID-19. Iba-iba ang naging paraan ng iba’t ibang mga indibiduwal, pangkat at negosyo upang maipakita at maipadama ang pagmamahal para sa kanila.

Isa na rito ang restaurant owner at kilalang pilantropo na si Rad Pelayo, na naglalayong bigyan ng complimentary meals ang mga frontliners na kamakailan lamang ay dumadaing na sa hirap at pagod dahil sa pagtuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa: halos hindi na sila nakapagpapahinga, at pati ang kanilang mga kasamahan ay tinatamaan na rin ng sakit. Ipinahayag ni Rad ang kaniyang proyekto sa pamamagitan ng Facebook post.

Imahe mula sa Facebook account ni Rad Pelayo

“Since the lockdown, maski ano-ano pa ang binenta namin or tininda, ang mahaIaga nakakaraos kami at umaandar ang negosyo. I want to pay it forward to our dear frontliners… A Complimentary Whole Day Meals for 5 frontliners everyweek,” ayon sa kaniyang post.

Hinikayat niya ang publiko na may mga kakilalang frontliners na padalhan diya ng direct message na naglalaman ng buong pangalan ng frontliner, home address, cellphone number, at kung may food allergy upang mapadalhan nila ng complimentary meals.

“Thank you and please share my post. We heal as One!!!” dagdag pa niya.

Public Domain Image

Hindi na bago para sa naturang restaurant owner ang pagtulong sa kapwa. Sa katunayan, bilang may–ari at Managing Director ng “H Cafe and Events Place” sa ilalim ng “Healthy Meals PH”, talagang nagbibigay sila ng libreng pagkain para sa mga frontliners bilang pagbabalik ng utang na loob sa kanilang mga sakripisyo at pagpupunyagi.

Restaurant owner, pinakain ang Grab driver na nag-deliver ng suplay para sa kaniyang “free food”

Noong bandang Mayo naman, inilunsad niya ang kaniyang “Fresh Basket Market” kung saan nakipag–tie up sila sa mga magsasaka upang direkta nilang maibili ang mga pananim na gulay ng mga ito., at maitinda naman sa kanilang mismong puwesto. Kaya sa umaga, mistulang open garden market ang kaniyang restaurant, at cafe naman sa gabi.

“Fresh Basket Market” bilang tulong sa mga magsasaka, inilunsad ng may–ari ng isang restaurant

Kudos sa iyo, Rad! Sana ay dumami pa ang mga gaya mo sa panahon ng bayanihan.