“Posporo-inspired” na pakulay ng buhok, kinaaliwan




Imahe mula sa Facebook page na Papa / Public Domain Image
  • Nagdulot ng iba’t ibang reaksyon at komento ang larawan ng isang babaeng nagpakulay ng buhok
  • “Posporo-inspired” daw ang tawag dito
  • Buhok ang nagsisilbing “korona” ng isang babae kaya pinahahalagahan nila ito

Para sa mga babae, itinuturing nilang “korona” ang kanilang mga buhok. Mahaba man o maiksi, tuwid man o kulot, bagong rebond o idinaan lamang sa shampoo at conditioner, naglalagay ng effort ang marami upang mapaganda lamang ito. Ginagawang tambayan ang mga salon upang mas maging kaakit-akit ang buhok. Isa na rito ang pagpapakulay.

Bagama’t tipikal ang pagpapakulay ng burgundy, dark brown, at iba pang mga kulay para sa buhok, kinaaliwan naman ang isang larawan ng babaeng nagpakulay ng buhok na kakulay ng posporo, palitong may kemikal sa dulo na ginagamit sa paggawa ng apoy, na isa sa mga pangangailangan sa bahay.

Makikita ito sa Facebook page na “Papa.”

Imahe mula sa Facebook page na Papa

Batay sa larawan, sa bandang itaas ng kaniyang buhok ay kulay-itim subalit pagdating sa ibaba, kulay-brown na ito, bukod pa sa mga pahibla-hiblang kulay o highlights. Saad tuloy sa caption, “Posporo ka ghourl?”

Narito naman ang ilan sa mga reaksyon at komento ng mga netizens.

“For me lang naman ah, mas maganda pa rin sa babae ang simple lamang ang kulay ng buhok. Yung itim lang… classy tingnan. Ito kasi parang ewan,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Lahat na lang big deal? Why don’t you let them live their own life? Mind your own life hahaha.”

“What’s wrong with her face?? At least afford niya yung ganiyang hair style. Maganda naman ah? Nasa Pilipinas pala tayo, compare to other countries, bet na bet nila ang real beauty ng mga Pinay,” wika ng isa.

Pahayag naman ng isa, “Huwag na lang magpakulay ng buhok kapag hindi bagay. Sayang ang beauty.”

Public Domain Image

Sa Pilipinas, natural sa ating mga Pilipino ang pagkakaroon ng itim na buhok,, bagama’t dulot na rin ng uso at pagtangkilik sa kultura ng iba, natuto na rin ang ilan na magpakulay batay na rin sa anyo ng mga dayuhan.

Source :

Facebook