Online Roleta: Ang Bagong Magpapakaba sa mga Mag-aaral na Hindi Handa




Imahe mula sa Facebook page na Buhay Guro / Public Domain Image
  • Nagdulot ng katuwaan sa mga netizens ang isang larawan
  • Hindi na raw index card ngayon ang magpapakaba sa mga mag-aaral kundi mga online roleta
  • Maaari itong gamitin para matukoy ang mga mag-aaral na sasagot sa mga tanong ng guro, o pakikibahagi sa talakayan

Noong malaya pang naisasagawa ang mga klase sa paaralan, isa sa mga pamamaraan ng guro upang mamarkahan ang pakikibahagi sa talakayan ng mga mag-aaral o recitation ang paggamit ng mga index card o class card; bagay na labis namang nagdudulot ng kaba sa mga mag-aaral, lalo na ang mga hindi handa sa kanilang mga aralin.

At dahil sa “Bagong Normal” ng pagtuturo dulot na rin ng pandemya, baka hindi na index card ang magpapakaba ngayon sa mga mag-aaral. Kung inaakala ninyong hindi na kayo matatawag, diyan kayo nagkakamali: ang dating index card, malamang, papalitan ng online roleta, kagaya ng ibinahagi sa Facebook page na “Buhay Guro.”

Imahe mula sa Facebook page na Buhay Guro / Public Domain Image

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Pakibura na po ang post para hindi makita ng mga instructors namin hahaha,” pabirong sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “For me ok lang kasi kung mali yung sagot ko hindi ako mahihiya kasi online class kaysa naman yung sa classroom talaga na kapag nagkamali yung sagot mo nakakahiya, lalo na kapag feeling perfect yung mga classmates mo.”

“Naku, paki-delete na po ang picture bago pa makita ng mga teachers namin hahaha,” saad naman ng isa.

Para sa mga guro, mahalaga ang pakikibahagi o pakikiisa sa klase sapagkat dito masusukat ang kakayahang mag-isip nang malalim ng mga mag-aaral, lalo na’t kapag biglaan ang pagtanong. Nagsisilbi rin itong indicator kung ang mga mag-aaral ay handa sa aralin.

Public Domain Image

Marami namang online roleta tulad ng “Wheel Decide” sa internet ang maaaring gamitin upang makatulong na maging kasiya-siya ang isasagawang online class. Huwag lamang matakot na galugarin ang internet at subukin ang mga apps dahil sa panahon ngayon ng digital era, lamang ang may alam sa teknolohiya.

Source :

Facebook