Netizen nami-miss na ang mga panahong maaari pang umubo




Public Domain Image
  • Kinatuwaan ng mga netizens ang isang Twitter post
  • Nami-miss na raw ng nag-tweet nito ang panahong puwede pa ang umubo
  • Sa panahon kasi ngayon ng pandemya, kapag umubo ka sa pampublikong lugar ay tiyak na pagtitinginan ka

Isa sa mga gawi na hindi na basta-basta maaaring gawin ngayon sa mga pampublikong lugar ay ang pag-ubo. Noon, hindi pinapansin ng mga tao ang mga umuubo o nababahing. Subalit simula nang dumating ang COVID-19 pandemic, pigil na pigil na ang marami sa pag-ubo lalo na’t nasa labas; dahil tiyak na pagtitinginan o titingnan nang pailalim ng iba.

Kaya naman, “benta” sa mga netizen ang isang Twitter post ng nagngangalang “Joseph Santos” kung saan nami-miss na raw niya ang mga panahong maaari pang umubo, na hindi huhusgahang may nakahahawang virus na maaaring mailipat sa kapwa.

Imahe mula sa Twitter post ni Joseph Santos

“Namimiss ko na yung panahong puwede pang umubo,” ayon sa kaniyang Twitter post.

Ikinaaliw naman ito ng mga netizens, at marami ang naka-relate dito.

Turan ng isa, “I so agree with this Twitter post. Pakiramdam ko nga, it’s better to fart than to cough these days hahaha.”

“Ngayon kapag umubo kailangan mong mag-explain bakit ka umubo or kung minsan lulunukin mo na lang yung ubo¬† o plema hahaha,” saad naman ng isa.

Kuwento naman ng isa, “Naalala ko noong February, bilang pa lang sa daliri yung mga may kaso. Nag-spray ako sa ilong ko para sa sinusitis after that, pinipilit kong umubo kasi mapait. Yung mga tao sa office namin sabi magpahinga na raw muna ako sa bahay… napapaklaan lang naman po hahaha.”

“Umubo ako sa wharf nung pauwi ako sa amin sa Guimaras.. Lumapit yung coast guard, ‘Matagal na po ba yang ubo ninyo Ma’am?’ Ipinakita ko yung kinakain kong mani, sabi ko nabilaukan lang ako hahaha. Kapag umubo ka in public place ngayon, pagtitinginan ka,” pagbabahagi naman ng isa.

Public Domain Image

Hindi naman masama ang pagbuho o pagbahing basta’t may suot na face mask lalo na kapag nasa labas ng bahay at nasa pampublikong lugar. Mahalaga rin ang pagsunod sa mga health protocols kagaya ng physical o social distancing, palagiang paghuhugas ng kamay, at hangga’t maaari, pananatili sa loob ng bahay kung hindi naman kinakailangang lumabas.

Source :

Twitter, Facebook