Naranasan mo rin bang mapiringan para makapasa sa keyboarding class?




Imahe mula sa Facebook account ni Jasper Amorin / Public Domain Image
  • Sinariwa ng mga netizens ang isang nakatutuwang pagsasanay sa mga IT class
  • Ito ay ang paglalagay ng piring o takip sa mga mata para sa keyboarding
  • Nagbahagi naman ng kanilang mga karanasan ang mga netizens hinggil dito

Sa panahon ng “Bagong Normal” dulot na rin ng pandemya, isa sa mga nakiangkop dito ang paraan ng pagtuturo at pagkatuto. Magsisimula ang bagong taong pampanuruan sa pamamagitan ng “blended learning approach,” bilang pagsunod na rin sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na bawal muna ang pisikal na pagkaklase sa mga paaralan hangga’t wala pang bakuna para sa COVID-19.

Kaya naman, binabalikan na lamang ng mga mag-aaral ang alaala ng kahapon kung saan malaya pa silang nag-aaral at nagsasagawa ng mga gawaing pangklase, noong wala pang pandemya. Isa sa mga binalikan nila ang paglalagay ng piring sa mga mata bilang pagsasanay sa keyboarding.

Ibinahagi iyan sa Facebook post ng netizen na si “Jasper Amorin.”

Imahe mula sa Facebook account ni Jasper Amorin / Public Domain Image

Ayon sa kaniyang caption, “Nasa kamay mo ang grado mo. HAHAHAHA. Comment lahat ng nakaka-relate sa moments na ito.”

At hindi naman nagpahuli ang mga netizens. Sinariwa nila ang nakakakabang mga sandaling ito, lalo na’t ang ilan sa kanila ay nagkaroon ng istriktong guro o propesor sa kanilang IT classes.

“College days haha… pero buti na lang mabait teacher namin hindi kami pinapiringan, eyes on the board lang kami,  tapos may time limit,” saad naman ng isa.

Turan naman ng isa, “Hahaha, I remember those days na hindi pa uso ang computer, typewriter keyboard pa dati pinapa ganyan sa amin kaya bawal magkamali.”

“Ganyan final exam namin sa typing kakatakot pero worth it kasi until now hindi na ako nakatingin sa keyboard tapos kapag nagkamali ako ng tipa, alam ko na kaagad na may mali hahaha,” pagbabahagi naman ng isa.

Pasasalamat naman ng isa, “Pero laking pasalamat ako sa ganiyang exam na iyan na medyo nakakatawa hahahahaha, natuto talaga ako nang bonggang-bongga. Gawin mo iyan sa mga students ngayon, tiyak na uulanin sa reklamo ang mga teachers. Thank you teachers!”

Public Domain Image

Sa ngayon ay in-demand ang paggamit ng mga computer desktop at laptops dahil karamihan ay nasa work-from-home scheme at online class.

Source :

Facebook