Nakakita ka na ba ng “dambuhalang airpods” mula sa online shopping?




Imahe mula sa Tata Lino / Public Domain Image
  • Kinatuwaan ng mga netizens ang dambuhalang airpods
  • Ayon sa birong caption ng Facebook page kung saan ito itinampok, nakuha ito mula sa online shopping
  • Patok na patok sa panahon ngayon ng pandemya ang online shopping o buying

Usong-uso ngayon ang online shopping at online shopping apps kagaya ng Lazada at Shoppee. Sa “Bagong Normal” kung saan nililimitahan ang paglabas ng mga tao, malaking convenience para sa marami ang mga apps na ito, lalo na sa mga “adik” sa shopping.

Subalit minsan, nagkakaroon pa rin ng “ideal versus reality” sa mga produktong nabibili sa mga ganitong online shops: minsan, sa mga larawan ay maliit ngunit kapag natanggap na ito ay malaki pala, o kaya naman ay kabaligtaran. Kagaya na lamang ng larawang itinampok sa Facebook page na “Tata Lino.”

Imahe mula sa Tata Lino / Public Domainj Image

Magugulat marahil ang sinuman kapag nag-unbox na at matuklasang “dambuhalang” airpods pala o bluetooth and wireless earphones ang nabili.

Sinasabing ang naturang larawan ay mula sa Dubai; matapos magulat ang isang babae sa pekeng dambuhalang airpods na nabili niya sa Amazon.

Ngunit sa katotohanan, may ganiyan pala talagang kalaking airpod. Tinatawag itong “Bluetooth Speaker Giant Airpods.”

“Bumenta” naman ito sa mga netizens, lalo na ang mga nakaranas na nito.

Ayon sa isa, “Hay naku, sa amin nga eh, ang ganda sa pictures, pero noong nakita na namin sa personal, hindi pala ganoon kaganda. Iba pa rin talaga kapag nag-shopping ka personally kasi mapipili mo talaga ang mabibili mo. Sa panahon ngayon mahirap pa naman ang magbalik ng mga produktong nabili online.”

“Grabe naman ang malaking airpods na iyan, higante ba ang gagamit niyan? Hahahaha. Baka hindi na airpods iyan, baka blower,” biro naman ng isa.

Pahayag naman ng isa, ” Seryoso ba iyang picture na iyan? Hahaha. Parang OA naman iyan sa laki. May ganiyan ba talaga?”

Nagsimulang mag-boom ang transaksyon online sa Pilipinas noong 2015, kung saan naitalang pumalo sa 44.2 million ang mga Pilipinong aktibo sa paggamt ng Internet at 47 million naman ang mga gumagamit ng social media platforms, partikular ang Facebook. Dito na nagsulputan ang iba’t ibang mga online apps na sa totoo lamang ay nakapagdudulot naman talaga ng kaginhawaan sa mga customers, lalo na sa panahon ng pandemya.

Samantala, bago makipag-deal online, tiyaking lehitimo ang kausap at ang produktong bibilhin upang hindi madaya. Matutong magkumpara ng presyo at kalidad sapagkat ito ay iyong karapatan bilang mamimili.